Boy Abunda parang nabaldado sa pagbabu ng The Buzz

boy abunda
Speaking of The Buzz, marami ang nagulat sa biglang pagtiklop ng show nina Kris Aquino, Toni Gonzaga and Boy Abunda. Iba-iba naman ang mga kumalat na rason kung bakit tinanggal na sa ere ang show.

Una, kesyo hindi na raw umusad ng husto ang rating ng show bagaman nanatiling number one sa kanyang timeslot. Pangalawa, na-afraid daw sa balitang tatapatan ng bagong show ni Willie Revillame. Pangatlo, may malalim na dahilan daw kung bakit nawala ang show.

At pang-apat, magre-reformat lang ang show at babalik din sa ere. Tumawa naman ng malakas ang kausap namin when we mentioned ‘yung afraid daw ang show sa pagbabalik ni Willie sa TV.

Sabi ng kausap namin na malapit sa isa sa tatlong host ng show, ‘yan ay isang kalokohan. “Bakit naman katatakutan si Willie? Ang babaw lang,” lahad niya.

Pero promise ng kausap namin, ramdam na ramdam niya na sobrang nasasaktan si Kuya Boy until that time na nag-uusap kami.
Sabi raw mismo ni Kuya Boy sa last episode ng The Buzz na parang pinatay ang kalahating katawan niya, that his heart is bleeding.

Read more...