Anak nina Melai at Jason nanghihingi na ng kapatid

melai contiveros
PROUD parents ang mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco sa birthday party ng kanilang baby na si Amelia Lucille noong Linggo.

Isinabay na rin ni Melai ang kanyang 27th birthday celebration sa party ng anak nila ni Jason. Kahapon ang eksaktong kaarawan ng komedya habang noong April 3 naman nag-birthday si baby Mela (palayaw ng baby).

Maraming netizens ang natuwa sa family picture na ipinost ni Melai sa kanyang Instagram account kung saan lahat sila ay may suot ng korona. Naka-princess outfit naman si Baby Mela dahil nga Sofia The First ang theme ng kanyang party.

Mababasa rin sa IG account ni Melai ang mga mensahe ni Baby Mela para sa kanyang magulang: “Ikaw ang pinaka mabait, maganda at pinaka natatangi namin ni papa.

Mahal na mahal ka namin, lalo na si papa, sobrang mahal ka niya. ‘Di ka niya ipapagpalit sa iba, sabi niya sa ‘kin.”Wish ko po sana magkaroon na ako ng kapatid! Mama, you’re the best and I wish you more blessings to share and especially a good health for you, para marami ka pa mapasaya.

This, all we pray to Almighty God, in Jesus’ name,” ang sabi pa ni Baby Mela na obviously ay si Melai rin ang nagsulat.

Read more...