MJ Lastimosa bibida sa sariling lifestory sa MMK

mj
Itatampok ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (Abril 11) ang life story ni Binibining Pilipinas-Universe 2014 Mary Jean “MJ” Lastimosa. At maswerte si MJ dahil siya mismo ang napili ng production people ng MMK para gumanap sa kanyang sariling buhay.

Tuklasin ang mga pagsubok na pinagdaanan ni MJ bago pa man siya magsimulang sumali sa mga beauty pageant. Gaano kahirap para sa batang MJ na abutin ang kanyang mga pangarap nang walang mga magulang sa kanyang tabi?

Sino ang naging inspirasyon niya upang patuloy na lumaban at magtagumpay sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay?
Makakasama ni MJ sa kanyang kauna-unahang MMK episode sina Isabel Oli, Sofia Millares, Veyda Inoval, Ronnie Lazaro, Cherie Gil, Encar Benedicto, JunJun Quitana, Kyline Alcantara at Bianca Bentulan.

Ang episode na ito ay sa ilalim ng direksyon ni Emmanuel Palo at sa panulat ni Benson Logronio. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK, na napapanood pa rin tuwing Sabado, 7:15 p.m. after Home Sweetie Home sa ABS-CBN.

Read more...