NAPADAAN kami sa taping ng Kapamilya Deal or No Deal kung saan isa sa celebrity players ang controversial sexy actress na si Ara Mina. In fairness, bumati naman siya sa amin sa kabila nang sumabog na balita tungkol sa hiwalayan nila diumano ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrcik Meneses.
But she had to rush para kumain sandali dahil need niyang makabalik agad after ng ilang minute na dinner break. Kaya hindi na namin siya kinulit tanungin about the issue.
Although, binanggit namin sa kanya ang kumalat na balitang hiwalay na sila ni Mayor Patrick. Ayaw naming isipin na sadya siyang umiwas na magsalita sa amin about the hiwalayan sa pagmamadali niya para makakain.
Habang kausap namin si Ara pansin agad ang “kawalan ng buhay” ng kanyang mukha. Malungkot ang mga mata, walang tamis ang kanyang mga ngiti at maputla ang pisngi.
Until the next day, nakausap namin ang publicist ni Ara at kasamahan din sa panulat na si Pilar Mateo. Kinabukasan na raw ng hapon sumagot si Ara sa mga text messages niya asking kung ano baa ng real score sa kanila ni Mayor Patrick.