SINO ba naman ang hindi mapapatawa rito kay Tarlac Rep. Kimi Cojuangco?
Meron na makailang beses niyang tinawag nang mali-mali ang pangalan ng mga resource person na dumalo sa pagdinig ng Kamara sa kontrobersyal na Mamasapano inciden. Yung ibang opisyal ng militar, pulis at maging Department of Interior and Local Government ay makailang ulit din niyang idinemote, habang yung iba promoted naman.
Pero hindi raw naman iyon sadya. Nagkataong nagkamali lang.
Ang dami namang mali!
Lalo pang “pinasaya” ni Cojuangco ang mga nagsidalo sa hearing nang walang kamalay-malay niyang i-address si Interior Secretary Mar Roxas ng simpleng “Mar”, at tanungin si PNP Officer-in-charge Leonardo Espina kung bakit hindi pa ito nagre-resign.
Marami ang natuwa at marami rin umano ang naasar sa tila pagpapatawa ni Cojuangco.
Sa iba, si Cojuangco raw ang nagsilbing “ice-breaker” sa halos walong oras na pagdinig ng House committees on public order and safety, at peace, reconciliation and unity tungkol sa Mamasapano incident noong Enero 25 na ikinasawi ng 44 miyembro ng Special Action Force.
Ilan sa mga “nakakatawang” insidente na ipinamalas ni Cojuangco ay ang tila “napag-iwanan” siya sa mga sitwasyon na halos lahat ng Pilipino ay alam na: Ang hindi pagkakasabi kay PNP OIC Espina tungkol sa Oplan Exodus.
“Why didn’t you step in when you found out there was a problem?” hirit ni Cojuangco.
“Kasi ma’am, truthfully, I had no idea what was going. I didn’t know what was going on,” sagot naman ni Espina.
“But as OIC, you had no idea?” balik naman ni Cojuangco.
“Wala, ma’am, zero. I was kept out of the loop,” sagot naman ni Espina.
“Don’t you feel like resigning?” tanong muli ni Cojuangco.
“Maybe together with the Secretary, ma’am,” mabilis na sagot naman ni Espina, na tinawanan naman ng mga tao sa gallery.
Pero hindi pa rin nakontento si Cojuangco at humirit pa. At ibinaling ang tanong kay Roxas.
“Yes, Secretary Mar, don’t you feel like resigning?”
Napatawa lang si Roxas pero hindi na sumagot.
Ilang beses rin nahuli sa camera si Cojuangco na hirap kilalanin ang mga resource person na gusto niyang tanungin.
Isang insidente na habang tinatanong ni Cojuangco ang ilang police officials, at tila gustong sumagot ni Roxas, biglang humirit ang kongresista ng: ” “I’m not asking you, Mar.”
Pero biglang kabig ito nang maisip na nagkamali siya. “Oh. I’m sorry, Secretary.”