Lead vocalist ng Zoo-a band binugbog, tinutukan ng baril ng ‘CIDG’

BUGBOG-sarado ang lead vocalist ng bandang Zoo-a na si Neil Baruelo matapos pagtulungan ng tatlong lalaki na nagpakilalang mga miyembro diumano ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Martes ng madaling araw sa isang bar sa Sgt. Esguerra St., sa Quezon City.

Matapos pagsusuntukin at sipain, saka naman tinutukan ng baril si Baruela.

Ayon sa lead singer ng Zoo-a band, na mina-manage ng TV director na si Bert de Leon at kabilang sa mga dating miyembro ay ang Journey lead  singer na si Arnel Pineda, kakarating lamang niya sa bar nang bigla siyang lapitan ng isa sa tatlong suspek at bigla siyang tinadyakan sa mukha.

“Tinadyakan ako sa mukha. Tapos naglabas ng baril at ikinasa,” ayon kay Baruelo.

Matapos nito ay umalis ang mga suspek.  Gayunman nai-rekord ng mga bouncer ng bar ang plate number ng sasakyan ng mga suspek.  Ang mga ito ay NEI 399; AAY 38476; at TFO 338.

Nagsampa ng reklamo si Baruelo sa Philippine National Police station 10 sa Kamuning, Quezon City.

Read more...