Instagram account ni Daniel padilla na-hack

daniel instagram

NA-HACK ang Instagram account ng teen star na si Daniel Padilla, ayon mismo kay Magic public relations officer Thess Gubi.
Sabi ni Gubi na nakasakay ng eroplano si Padilla at at hindi pa makakapagkomento.

Aniya, inaasahang lalapag ang kanyang sinasakyang eroplano ganap na alas-3 ng umaga ngayong araw. Darating si Padilla matapos mag-show sa United States (US) kasama ang kanyang onscreen partner na si Kathryn Bernardo.

Read more...