Publiko binalaan sa mga mapanganib na pigurin

figurine

figurine

figurine

May mga anghel na nakakasama sa kalusugan sa kabila ng kanilang angking kagandahan.
At ganito rin ang mga pigurin na Buddha na ginamitan ng pintura na mayroong lead, isang brain-damaging chemical.
Ayon sa EcoWaste Coalition marami ng gumagawa ng figurine ang gumagamit ng pintura na walang lead kaya hinihimok nito ang hindi pa, na gumaya na rin.
Bumili ng pigurin na tig-P35 ang EcoWaste sa mga vendor sa Antipolo City noong Good Friday at sinuri nila ito. Lumabas na hindi ginamitan ng pintura na may lead ang mga ito.
“We’re very happy that the figurine maker listened to our appeal as announced through the media and voluntarily shifted to non-lead decorative paints,” ani Thony Dizon, coordinator ng EcoWaste Coalition. “Such a switch is beneficial for their workers, sellers and costumers, as well as to young children who are defenseless to lead exposure.”
Noong 2013 at 2014 ay sinuri ng EcoWaste ang mga pigurin at marami sa mga ito ang nagtataglay ng mataas na lebel ng lead.
“The use of unleaded coatings in the figurines is very important as children may be exposed to lead as the painted surfaces peel with time or when the figurines are broken creating lead-containing dust.”
Ang pintura ay maaaring matanggal kapag hinawakan at maaari itong makain kaya delikado sa kalusugan lalo na ng mga bata.
Ayon sa World Health Organization ang lead ay nakaka-apekto sa neurologic, hematologic, gastrointestinal, cardiovascular, at renal systems.
“Children are particularly vulnerable to the neurotoxic effects of lead, and even relatively low levels of exposure can cause serious and in some cases irreversible neurological damage,” ayon sa WHO.

Read more...