Naitala sa 11 porsyento ang net satisfaction rating (47% satisfied, 17% undecided, 36% dissatisfied) ni Aquino mula sa 39 porsyento noong Disyembre 2014.
Ito ang pinakamababang net satisfaction rating ni Aquino mula ng manungkulan noong 2010. Ang kanyang pinakamataas ay noong Agosto 2012 na naitala sa 67 porsyento.
Kalimitang bumababa ang satisfaction rating ng Pangulo ng bansa kapag malapit ng matapos ang termino nito. Matatapos ang termino ni Aquino sa Hunyo 2016.
Ang pagbaba ni Aquino ay iniuugnay sa Mamasapano incident kung saan 44 miyembro ng Special Action Force ang nasawi matapos na mapatay ang international terrorist na si Zulkifli bin Hir alyas Marwan.
Sa kaparehong survey 50 porsyento ang hindi pabor sa panawagan ng ilang sektor na siya ay mag-resign (30% strongly disagree, 20% somewhat disagree).
Ang pabor naman ay 32 porsyento (16% strongly agree, 15% somewhat agree) at 18 porsyento ang undecided.
Ang survey ay ginawa mula Marso 20-23 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents. Una itong nailathala sa BusinessWorld ang media partner ng SWS.
Ayon kay Speaker Feliciano Belmonte Jr., kailangan ni Aquino ng bagong pagkakaabalahan para makabawi. “He needs new initiative perhaps in the area of the economy towards inclusive growth.”
Kung si House deputy majority leader at CIBAC Rep. Sherwin Tugna ang tatanungn “normal na bumababa ang rating ng isang outgoing president in the last 15 months of his term. Ngunit kumpyansa ho ako na ito ay muling aangat pag nakita na ng taumbayan ang mga nagawa at mabuting pagbabago ng administrasyong Aquino.”
30
READ NEXT
KeraMix susukatin ang Jumbo Plastic
MOST READ
LATEST STORIES