ISA ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa mga artistang pinili ang mag-stay na lamang sa Metro Manila nitong Holy Week. Hindi raw sila umalis ng Maynila ng partner niya na si Gerald Sibayan at binusisi na lamang marahil ang bago nilang lovenest.
Lumipat na ng tirahan si Ai Ai kasama ang boyfriend na si Gerald. Binenta na raw niya ang magandang bahay niya sa posh Ayala Hillestate subdivision sa Kyusi.
Mahigit 10 taon ding tumira si Ai Ai sa marangyang bahay niya sa naturang subdivision. Kung hindi kami nagkakamali nagkakahalaga ng P20 million noong binili niya ang bahay more than 10 years ago.
So, you could just imagine kung magkano na ang itinaas ng presyo nito ngayon. Medyo sentimental lang kay Ai Ai ang bahay dahil dito sila nagbuo ng masasayang alaala ng mga anak niya.
Dito na nga naglakihan sina Sofia at Nicolo. Habang ang panganay naman niyang si Sancho ay medyo nagbibinata na when they moved in sa house na yun.
Pero dito rin sa bahay niya sa Ayala naganap ang traumatic experience niya sa dating karelasyon na si Jed Salang. Kung ‘yun nga naman ang laging maaalala niya sa naturang bahay, it was really a good decision na ibenta na lang niya and move in to a new place para sa kanila naman ni Gerald.
Nalalakihan na rin daw kasi masyado si Ai Ai sa kanyang Ayala abode especially now na sa Amerika na naninirahan ang kanyang dalawang anak kung saan may nabili naman siyang bahay doon para sa kanilang lahat.
Si Sancho naman ay binigyan na niya ng sariling condo unit sa Eastwood City. Kaya sila na lang talaga ni Gerald ang natitira sa bahay niya sa Ayala. Plus ‘yung bunsong lalaki na inadopt niya na most of the time naman ay hinihiram sa kanya ng best friend niya na dating soccer player sa Greece.
Bukod sa tatlong bahay ni Ai Ai ngayon – isa sa Amerika, condo unit ni Sancho, at sa tinitirhan nila ngayon ni Gerald, nandiyan pa rin naman ang kauna-unahang bahay na nabili niya sa Susana Heights kung saan ang kanyang adoptive mother na kapatid ng biological mother niya ang nakatira ngayon.
And now, hindi lang siya lumipat ng bahay, literally, kundi kalat na kalat na rin ang paglipat niya sa kanyang “dati at bagong bahay” as far as her career is concern.
Mismong sa namamahala ng kanyang career, ang Backroom head na si Rowena Salido, ang nagsabi sa amin na wait lang daw namin ang announcement sa susunod na mangyayari sa career ni Ai Ai.
Hindi niya kinumpirma o dinenay ang pagbabalik ni Ai Ai sa GMA7. Pero sa himig ng kanyang pananalita, mukhang after ni Willie Revillame siya na ang susunod na pipirma ng kontrata sa Siyete.
Ang balita makakasama sa isang teleserye ang Comedy Queen, ang TV remake ng pelikulang “Let The Love Begin” na magsisilbing launching series nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.