Ngayong nakapirma na ng kontrata si Miss World 2013 Megan Young sa Kapuso Network, malaki ang posibilidad na makatrabaho na niya ang kanyang kapatid na si Lauren.
Sabi ng balik-Kapuso TV-host actress, “Very excited ako na makatrabaho yung sister ko kasi ever since na nag-start kami sa showbiz kahit nung nasa kabila kami, wala kaming naging project together.”
Inamin din ni Megan na hindi siya apektado sa mga nagsasabing mas magaling si Lauren na umarte kaysa sa kanya. “Alam ko na yan, matagal ko nang inamin sa sarili kong sobrang galing ni Lauren pagdating sa acting.
She’s really good, she dedicates her time talaga sa acting niya.” Determinado namang mag-improve sa kanyang craft si Megan kaya okay lang sa kanya na magpaturo rin sa kanyang kapatid.
Tuturuan na lang din daw niya ito sa hosting. Speaking of hosting, si Megan Young ang magiging co-host ni Dingdong Dantes sa reality-based artista search ng GMA, ang Starstruck.
Samantala, kahit anong pilit ni Megan at ng kanyang mommy kay Lauren Young na mag-join ng beauty contest ay ayaw daw talaga nito. Wala raw talaga sa puso niya ang rumampa nang naka-two piece bikini sa mga beaucon!