Hollywood actor suportado si Pacman sa laban kay Mayweather

manny pacquiao

Sosyal talaga ang Pambansang Kamao, ha! In fairness kahit ang naglalakihang Hollywood superstars ay talagang hinahangaan siya nang bonggang-bongga!

Ilang linggo bago ang magaganap na bakbakan nina Pacman at Floyd Mayweather sa May 2 sa Las Vegas, USA, binisita ng Hollywood actor na si Mark Wahlberg si Pacquiao sa Wild Card gym.

Kasalukuyang nagte-training ang kongresista sa kanyang training camp sa US nang dumalaw sa kanya si Mark Wahlberg. Mismong si Pacman naman ang nag-post ng picture nila ng international actor sa kanyang Instagram account at nagpasalamat sa aktor sa pagbibigay ng suporta sa kanya.

Isang kilalang fan ng boksing si Mark Wahlberg kaya gustung-gusto niya si Pacman. Noong 2010 naman nagbida si Mark Wahlberg sa Academy Award-nominated film na “The Fighter,” kung saan ginampanan niya ang retired boxer na si Micky Ward.

Read more...