Bukal ng Buhay: Alamat nga lang ba?

Ni Bella Cariaso

First of two parts

NANINIWALA ka ba sa Fountain of Youth?

Ang Fountain of Youth ay ang sinasabing maalamat na bukal na diumano’y nagpapanumbalik ng kabataan ng sinuman na uminom ng tubig mula dito.

Ang kwento ng bukal ay nagpasalin-salin na sa buong mundo sa loob ng napakaraming libong taon.

Nabanggit ito sa mga kwento nina Herodotus, ang Alexander romance, ang mga istorya ni Prester John.

Ang mga kwento hinggil sa bukal ay nabanggit din sa mga katutubong mga tao ng Caribbean noong Age of Exploration, na kung saan binabanggit ang kapangyarihan ng tubig para manumbalik ang kabataan sa mythical land ng Bimini.Ang alamat ay naging prominente noong 16th century nang ito ay iniugnay sa Spanish explorer na si Juan Ponce de León, ang unang gubernador ng Puerto Rico.

Base sa kwento na may kombinasyon ng elemento ng New World at Eurasian, hinahanap ni Ponce de León ang Fountain of Youth nang siya ay naglakbay sa lugar noong 1513 na ngayon ay kilalang Florida.

Mula noon, iniuugnay na ang bukal sa Florida.

Binanggit naman ni Herodotus ang bukal na may kakaibang klase ng tubig na matatagpuan sa Ethiopia.

Ito umano ang dahilan kung bakit mahahaba ang buhay ng mga Ethiopians.

Ang kwento ng “Water of Life” ay makikita din sa Eastern versions ng Alexander romance, na kung saan ikinukwento dito na si Alexander the Great at ang kanyang mga tagapaglingkod ay tumawid sa Land of Darkness para hanapin ang nakakapagpabatang bukal.

Ang tagapaglingkod sa kwento ay mula sa alamat ng Middle Eastern na si Al-Khidr, na binanggit din sa Koran.

Ang Arabic at Aljamiado versions ng Alexander Romance ay mga popular sa Spain sa panahon ng Moorish rule at mga kilala sa mga manglalakbay na naglalayag sa Amerika.

Ang mga kwento hinggil dito ay hinango sa sikat na medieval fantasy na The Travels of Sir John Mandeville, na kung saan binanggit din ang Fountain of Youth na sinasabing matatagpuan sa paanan ng bundok sa labas ng Polombe (Kollam) sa India.

Dahil sa impluwensiya ng mga kwentong ito, ang alamat ng Fountain of Youth ay sikat din sa Gothic art, partikular na makikita sa Casket with Scenes of Romances (Walters 71264) at napakaraming pang ivory mirror-cases at nananatiling popular sa mga European Age of Exploration.

Naging tradisyon na sa European iconography ang Cranach painting at mirror-case mula sa mga sinaunang 200 taon kagaya ng mga matatandang tao na kadalasang binubuhat, hinuhubaran at bumababa sa isang pool.

Ang mga tao naman sa pool ay makikitang pawang mga nasa kanilang kabataan habang sila ay hubo’t hubad.

Maya-maya ay aahon na sila sa pool at pagkatapos ay makikita na silang pawang bihis na bihis at nagpa-party, kasama ang nakahaing pagkain.
Napakaraming kwento hinggil sa bukal. Ang eternal youth ay isang regalo na inaasam sa mga alamat at mga kwento hinggil sa mga bagay kagaya ng philosopher’s stone, universal panaceas, at ang elixir of life.

Ang mga ito ay laganap sa buong Eurasia at sa iba pang lugar. Ito rin ay maaaring hinango sa kwento hinggil sa Pool of Bethesda sa Gospel of John, na kung saan pinagaling ni Hesus ang isang lalake sa isang pool sa Jerusalem.

Ayon sa alamat, ang Spanish heard ng Bimini ay galing sa Arawaks sa Hispaniola, Cuba, at Puerto Rico.

Inilalarawan ng mga Caribbean islanders ang isang maalamat na lugar ng Beimeni o Beniny (Bimini), isang lugar ng kayamanan at kasaganaan sa mga Spanish, na iniugnay sa alamat ng bukal.

Bagamat sa panahon ni Ponce de Leon, ang lugar ay sinasabing matatagpuan sa northwest ng Bahamas (na tinawag na la Vieja sa panahon ng paglalayag ni Ponce).

Maaaring ang binabanggit dito ay ang Maya. Ang lugar na ito ay maaaring napapagkamali sa Boinca o Boyuca na binanggit naman ni Juan de Solis. Base naman sa paglalayag ni Solis, ito ay ang Gulf of Honduras.

Ang Boinca ang orihinal na sinasabing pinagmulan ng alamat ng fountain of youth at hindi ang Bimini. Batay sa kwento, hindi nakatanggi si Sequene, isang Arawak chief mula sa Cuba, sa pang-akit ng Bimini at ang nagkakapagpabata nitong bukal.

Bumuo siya ng mga manlalakbay at sila ay naglayag papuntang norte at hindi na bumalik.

Batay sa mga kwento mula sa miyembro ng tribo ng Sequene, natagpuan ni Arawak at ng kanyang mga tauhan ang Fountain of Youth at namuhay sa kasaganaan sa Bimini.

Ang kwento ng Bimini at ang nakakabatang tubig nito ay kumalat sa Caribbean.

Binanggit ng Italian-born chronicler na si Peter Martyr ang tungkol dito sa kanyang sulat sa papa noong 1513.

Bagamat hindi siya naniniwala sa mga kwento hinggil dito at siya ay dismayado sa maraming naniniwala sa kwento.

Noong 16th century, ang kwento ng Fountain of Youth ay naging bahagi ng talambuhay ng mananakop na si Juan Ponce de León.

Base sa talambuhay ni Ponce de León, siya ay itinalaga para sa pagdidiskubre ng lugar ng Beniny.

Bagamat maaaring ang tinutukoy ng mga Indians ay ang lugar ng Maya sa Yucatan, ang pangalan at ang alamat hinggil sa fountain of youth ng Boinca ay iniugnay sa Bahamas.

Sa kabila nito, wala namang binanggit si Ponce de León sa kanyang mga isinulat sa kabuuan ng kanyang paglalayag.

Maaaring narinig niya ang kwento hinggil sa bukal at pinaniwalaan niya ito, hindi naging konektado ang alamat sa kanyang mga isinulat. Nabanggit lamang ito nang siya ay namatay na.

Ito ay nabanggit sa mga akda ni Gonzalo Fernández de Oviedo na Historia General y Natural de las Indias noong 1535, na kung saan sinabi niya na si Ponce de León ay naghahanap sa tubig ng Bimini para pagalingin ang kanyang pagiging baog.
Base sa ilang mga mananaliksik, ang kwento ni Oviedo ay maaaring naimpluwensiyahan ng politika para makahingi ng paborableng desisyon mula sa korte.

Isa pang kahalintulad na kwento ay lumabas sa isinulat ni Francisco López de Gómara na Historia General de las Indias  noong 1551.

Sa memoir ni Hernando D’Escalante Fontaneda noong 1575, binanggit ng sumulat na ang nakakapagpagaling na tubig ay matatagpuan sa Florida at sinabi niyang ito ay hinanap ni de León.

Naimpluwensiyahan niya ang isinulat ni Antonio de Herrera y Tordesillas hinggil sa kasaysayan ng Espanya sa bagong mundo.

Naging bihag sa India si Fontaneda sa loob ng 17 taon matapos lumubog ang isang barko sa Florida noong siya ay bata pa lamang.

Sa kanyang memoir, binanggit niya ang nakakagaling na tubig sa nawawalang ilog na tinawag niyang “Jordan” na ayon sa kanya ay siya ring hinahanap ni de León.

Sinabi naman ni Fontaneda na may duda siya hinggil sa kwento ng bukal at hindi siya naniniwala na ito ang hinaahanap ni de León nang siya ay nagtungo sa Florida.

Si Herrera ang nagbigay ng koneksyon sa romantikong kwento ni Fontaneda na kasama sa kanyang Historia general de los hechos de los Castellanos en las islas y tierra firme del Mar Oceano.

Ayon kay Herrera, regular na bumibisita ang mga naninirahan sa bukal.

Nanumbalik ang kakisigan ng isang matandang lalake na kung saan nakabalik siya sa dating buhay at nagkaanak pa ng marami.

Inamin naman ni Herrera na bigo ang mga Spaniards na mahanap ang ilog bagamat hinanap na lahat ng uri ng tubig sa karagatan ng Florida para matagpuan lamang ang maalamat na bukal.

Matatagpuan naman sa lungsod ng St. Augustine sa Florida ang Fountain of Youth National Archaeological Park, bilang parangal sa lugar na kung saan madalas lumapag si Ponce de León.

Ang tourist attraction ay ginawa ni Luella Day McConnell noong 1904. Kilala siya sa tawag na “Diamond Lil”, dahil sa kanyang mga imbentong mga kwento na ikinatutuwa ng mga residente at mga turista hanggang siya ay pumanaw noong 1927.

Bagamat walang ebidensiya na ang bukal na matatagpuan ngayon sa parke ang sinasabing Fountain of Youth o ito ay nakakapagpabata, iniinom pa rin ng mga bisita ang tubig mula dito.

Makikita sa parke ang mga native at colonial artifacts bilang selebrasyon sa Timucuan ni St. Augustine at ang mga pamana ng Espanya.

Sinabi naman ng manunulat na si Charlie Carlson na nakausap niya ang umano’y sekretong organisasyon ng St. Augustine na ayon sa mga ito sila ang tagapangalaga ng Fountain of Youth, at napagkalooban ng mahahabang buhay.

Ayon sa kanila, ang matandang si John Gomez, isang  protagonist sa alamat ng Gasparilla na mula sa mga sinaunang kwento ng Florida ay isa sa kanilang mga miyembro.

Ang Fountain of Youth ay sumasagisag na sa anumang nakakapagpahaba ng buhay.

Ito ay karaniwang tema sa mga libro at maging sa kwento sa telebisyon at mga pelikula.

(Ed:  May tanong, reaksyon ba kayo sa artikulong ito?  I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374)

Read more...