One on One with Solenn Heussaff: The talented Miss Heussaff

NI ERVIN SANTIAGO

SA loob lamang ng ilang taon ay kilalang-kilala na si Solenn Marie Adea Heussaff sa local showbiz bilang isang aktres, singer, model, TV host at VJ. Hindi nakapagtataka dahil punumpuno talaga ng talent si Solenn Heussaff, bukod sa pagiging celebrity, magaling din siyang painter, hair stylist at make-up artist.

At dahil sa mga talentong ito, kaya hindi siya nauubusan ng proyekto.

Hindi maarte si Solenn, game na game siya sa kahit anong challenge sa showbiz.

Hindi rin daw totoo ang mga intrigang suplada siya at maldita.

At may explanation din siya kung bakit ang tingin sa kanya ng ibang tao ay isnabera.

Dumalaw si Solenn sa BANDERA at dito namin napatunayan na iba talaga ang appeal niya sa mga kalalakihan.

Narito ang kabuuan ng aming one-on-one interview sa Kapuso actress na leading lady ngayon ni Ogie Alcasid sa pelikulang “Boy ick-Up The Movie” ng GMA Films at Regal Entertainment na showing na sa June 6.BANDERA: Kumusta ang pagiging showbiz personality so far? Nag-eenjoy ka ba?
SOLENN HEUSSAFF: Yes, I’m enjoying my job, actually I’m learning a lot about myself, about the industry.

Tapos ngayon ko lang talaga natutunan ang mother language ko, kasi di ba, I grew up and I studied in Europe, so most of the time English and French lang ang ginagamit ko.

So, ngayon I finally learning the language with my heart.

B: May formal lesson ka ba sa pagsasalita ng Tagalog?
SH: Wala, e. Wala kasing time. For now, I just try na magsalita lagi ng Tagalog, kahit nasa bahay.

Tapos nagbabasa ako lagi ng script, pag may word na hindi ko alam ang meaning, tinitingnan ko sa book, sa internet.

Kahit si Ms. Maricel Soriano, sa shooting namin sa Yesterday, Today, Tomorrow, binibigyan niya ako ng advice, try ko raw magbasa ng comics, ng mga Tagalog pocketbooks.

She’s always telling me, ‘You know, kailangan matuto ka magsalita ng straight Tagalog’, para raw mas maraming projects ang mag-offer sa akin.

So far, okay naman. Pero hindi pa talaga ako pwedeng diretso, siguro mga two years pa ang straight Tagalog ko. Ha-hahaha!

B: Anu-ano ang mga nagustuhan mo sa showbiz at anu-ano ‘yung mga ayaw mo?
SH: Gusto ko ‘yung marami akong natututunan about the business, madami na akong friends.

I travel a lot. ‘Yung hindi ko gusto, some say nasty things about you, you get criticized.

But I understand, kasi you’re a celebrity and you can’t please everybody, di ba?

Kasi there are some people na nagsasalita ng bad kahit hindi ka naman nila kilala.

Ako gusto ko kasi private life, pero maraming questions about me, about my personal life. So, tiis na lang.

B: Madali ka bang mainis sa mga hindi magagandang balita tungkol sa ‘yo?
SH: Most of the time, I just keep it to myself, pero tao naman (lang) ako, if there’s something that I don’t like, I won’t make a big deal out of it na lang.

Pero I’m not going to let it pass din kapag sobra na.

B: Sa Twitter marami ka rin bang haters or bashers?
SH: Marami din. Madali lang ang style ko, if there’s somebody na sobra nang bad, I block them na lang.

Ina-unfriend ko na lang.

But of course, affected din ako kapag sobrang madaming negative comments, pero you have to prove them wrong, but hindi mo naman aawayin.

Parang you just work harder to show them that you’re worth it.

B: Sa showbiz, sinu-sino ang mga friends mo? And how do you bond with them?
SH: Actually, ‘yung mga nasa Party Pilipinas, we all get along, tapos sa Legacy, super friends ko si Heart (Evangelista), si Lovi (Poe), we really get along, pati yung ibang cast.

Si Sid Lucero sobrang kulit siya. Basta we are all excited everytime may taping kami.

Pero walang time to gimik din, minsan sa set lang kami, kainan, kulitan.

But last Holy Week magkasama kami ni Lovi sa Boracay, ganu’n lang.

Tapos lunch or dinner. Simple things like that, but memorable.

B: May beauty secrets ka ba? How do you maintain your almost perfect body?
SH: Yoga lang everyday. Pag walang time during the day I only eat tinapay, no rice, bawal ‘yun, no fried foods din.

And I only eat when I’m very hungry. Four years na akong hindi nagra-rice.

Every other two months siguro isang subo lang ng rice.

Kasi dati nasa France ako for five years, di ba? Parang ang pangit ng rice du’n.

Para siyang separated, Parang panis, ganu’n.

So pagdating ko dito sa Philippines, hindi na rin ako kumakain ng rice.

These days nga parang wala akong time sa sarili ko, kapag may free time sa bahay lang, ayoko mag-waste ng time lying down lang tapos nagpapa-spa or masahe.

Kapag may vacation ako, siguro pwede.

Hindi ko rin gusto ‘yung masahe, e, kahit sa set ng Legacy or sa location namin sa ‘Boy Pick-Up’ may masahista never akong nagpamasahe. It’s not my thing.

B: Mahilig ka ba sa mga exotic food?
SH: Ako I love different foods, kahit sa ibang bansa I try ‘yung mga specialties nila.

Kahit bugs, kumakain ko.

One time nga sa isang restaurant sa ibang country, nabasa ko sa menu nila, may crocodile, fried crickets, kinain ko pareho, but I didn’t like the crocodile.

Tsaka frogs din, tinray ko. Masarap din parang fried chicken lang.

B: Sa mga male stars sa showbiz, kanino ka naa-attract? Sino ‘yung talagang katakam-takam para sa ‘yo, name three?
SH: First, si John Lloyd Cruz, I don’t know why, baka kasi cute siya at magaling umarte.

Na-meet ko na siya, we did a commercial together. Super cute siya, parang playful.

Then si Dennis Trillo kasi parang silent lang siya, mysterious ganu’n.

Gusto ko yung ganu’ng guy, parang you have to dig deeper para makilala mo siya. Not all out sa buhay nila.

Tapos si Derek Ramsay, hindi nagbabago ang face niya like forever.

B: Speaking of Derek, may balita na ‘yung family niya ay mas type ka kesa kay Angelica Panganiban? (Naging boyfriend ni Solenn si Derek noon)
SH: Well, baka rumors lang ‘yun, alam mo ‘yung mga tsimoso?

Si Angelica mabait siya, maganda, magaling umarte, sexy.

So, I don’t know, parang wala naman akong sasabihin about that.

B: Close ka pa rin ba sa family ni Derek until now?
SH: Ngayon wala, hindi kami nagkikita or nag-uusap, pero siyempre kapag nagkikita kami somwhere, if we want to catch up.

Tapos ako ang ninang ng tatlong pamangkin ni Derek. But it’s been a while since magsama-sama kami.

B: Handa ka na ba sa mas mature at mas daring na mga role? Okay lang ba sa ‘yo kung may breast exposure?
SH: Ako okay lang sa more mature roles but breast exposure? Not in the Philippines.

Pag may French movie baka.

Kasi dito kahit nipple slip grabe ‘yung criticisms na matatanggap mo, and ayoko ng ganu’n.

I mean it’s nothing kasi kapag sa ibang country, walang malisya, pero pag dito sa Pinas right away may mga bad na sasabihin sa ‘yo, right away may interview na sa TV, Nakakaloka kayo, ganu’n!

I love Filipinos, but Pinoy kasi, they love to criticize, but hindi naman lahat, konti lang.

You know what, I made a video nga with my friends, sina Georgina Wilson, Anne Curtis, sa bahay lang ‘yun ginawa, parang trip lang.

Pero nu’ng binasa ko ‘yung mga comments sa You Tube, sobrang galit sila, some say looks lang ang meron sila.

Parang they like to insult people. It’s so easy for them to say bad things kasi hindi naman nila kilala talaga.

But I think, baka mag-iba ‘yung sinasabi nila kapag na-meet nila ako in person, when they started talking to me.

Pero pag sa Twitter or You Tube, parang marami silang angas parang everybody inaaway nila.

‘Yung iba kasi parang walang balls, kung gusto mong mag-fight tayo dapat face to face.

B: Ano ‘yung mga roles na sa tingin mo matsa-challenge ka?
SH: Gusto kahit maging maid, walang make-up sa pelikula, gusto ko iba talaga, ‘yung I need to study the role deeper, you go to places or study an individual to give justice to the role.

‘Yung effort talaga. Dati kasi ang gusto ko lang modeling, ayokong mag-acting, but little by little nagugustuhan ko na siya.

Gusto kong ma-improve pa ‘yung acting ko.

B: Ano ang mga ginagawa mo kapag wala kang work?
SH: Usually, I go to movie houses, I super love watching movies.

Kahit siguro everyday may free time ako, I will just go sa cinemas.

Gusto ko ‘yan, tapos yoga, relaxing ‘yun, kapag may galit ako du’n ko ibubuhos lahat.

I also love eating.

Kapag kasama ko yung mga tao that I love, we go to restos, order lang nang order and eat lang nang eat.

B: Marami ang nagsasabi na suplada ka raw? Intimidating ang look mo. Sino ba si Solenn sa likod ng camera?
SH: Kaloka! Loka-loka I mean. But simple tao lang ako.

Maybe they think na mataray ako kasi I don’t smile too much.

Tahimik lang ako lalo na kapag Tagalog silang lahat nag-uusap. Nahiya ako sa Tagalog ko kaya silent na lang me.

B: Mukhang ang tapang-tapang mo rin daw, pero umiiyak ka rin ba?
SH: ‘Yun ang problem ko actually, I always told them na mahirap akong umiyak sa drama, kahit nag-i-imagine ako ng sad moments hindi pa rin ako maiyak.

Pero kapag nanonood ako ng movies, mabilis naman ako umiyak.

But sa totoong buhay, siguro mga once or twice a year lang ako nagka-cry.

Konti lang. I can’t even remember when was the last time I cried.

Kasi ang personality ko, hindi ako madrama sa buhay.

One time nga when I was in school, malungkot ako at gusto kong umiyak I went to the toilet, mga two seconds lang ako umiyak then tapos na.

Happy na uli. Hindi rin ako madaling magalit. I hate being mad.

B: Ano ba ang mga bagay na ikinagagalit mo?
SH: Ayoko lang ng mga plastic people, ‘yung mga dishonest.

B: May pagkakataon ba na nabastos ka na?
SH: Dito sa Philippines wala pa, pero sa France marami na.

I always tell nga na ‘yung mga Pinoy gentleman talaga, but doon sa France, may guy pa nga na nag-masturbate sa harap ko, may mga nagsasabi ng bastos na words, kaya mas trip ko ‘yung buhay ko dito, ‘yung puso ko nasa Pinas pa rin, ‘yung dila ko lang ang hindi. Ha-hahaha!

Read more...