Carla Abellana napiling host ng ‘Karelasyon’

carla abellana
Hindi lang puro sarap at ligaya ang hatid ng pakikipag-relasyon. Parte rin nito ang mga tukso at pagsubok na susukat sa katatagaan at katapatan ng isang pagsasama.

Ngayong Abril, inihahandog ng GMA Public Affairs ang bagong drama anthology na maglalahad ng totoong karanasan ng mga magkakarelasyong nagkaroon ng matinding hamon sa kanilang pagsasama.

Dito tatalakayin ang mga problema gaya ng pagkakaroon ng kabit; lihim na pagkatao; sobrang selos, ambisyon o bisyo; problema sa pamilya o katrabaho; obsesyon sa sex, pera o maging sa materyal na bagay.

Sa pamamagitan ng mga pagsasadulang pagbibidahan ng Kapuso stars, at sa panulat at direksyon ng mahuhusay na independent film writers at directors, ipapakita sa Karelasyon kung anong hirap, sakit, kontrobersiya o trahedya ang pinagdadanan at hinaharap ng ilang Pilipino nang dahil sa pag-ibig.

Ang tagapaglahad ng mga kwento ay walang iba kundi ang Kapuso leading lady at TV host na si Carla Abellana.Abangan ang mga istorya at aral na mapupulot mula sa mapait, makulay at kakaibang kwento ng mga magkakarelasyon na mapapanood tuwing Sabado. Pakatutukan ang pilot episode nito ngayong darating na April 11 sa GMA.

Read more...