Megan Young walang balak pakasalan si Mikael Daez

mikael daez
MARAMING taon pa ang bibilangin bago magpakasal at magkaroon ng anak si Miss World 2013 Megan Young.

Ayon sa beauty queen-actress, wala pa sa isip niya ang pag-aasawa – bukod kasi sa bata pa raw siya, marami pa siyang gustong gawin sa buhay niya pati na rin sa kanyang pamilya.

Alam naman ng lahat ng nali-link si Megan sa Kapuso actor ding si Mikael Daez. Kahit na wala pa rin silang inaamin ngayon tungkol sa kanilang relasyon, marami ang naniniwala na matagal nang sila.

Bago pa man sumali si Megan sa Miss World ay nababalita nang magdyowa na sila. Ayon kay Megan, okay pa rin ang samahan nila ni Mikael at bukas din siya sa posibilidad na maging magkatrabaho sila ngayong pumirma na nga siya ng kontrata sa GMA 7.

Natanong ang dalaga kung ano ba ang masasabi niya sa isyu ng pagpapakasal, “I guess, first, let’s find a ring to put on my finger and somebody to ask me to get married to them.

“I think that’s the first step and then we’ll see from there. I think, now, the main focus is work, kasi siyempre I’m providing for my family. So, that’s the number one priority now,” paliwanag ni Megan nang makachika ng press sa contract signing niya sa GMA Network.

Hirit pa ng sister ni Lauren Young, “Ngayon, like I said, commitment ko is with the network. “Gagawin ko yung lahat ng dapat kong gawin and medyo malayo pa po ‘yon (kasal).

Pagdating sa ganyan, wala talagang tamang time. Nangyayari lang when it does. So, ‘pag dumating and you know it’s a good thing, why not?” chika pa ng beauty queen.

Samantala, si Megan nga ang makakasama ni Dingdong Dantes bilang host ng bagong season ng original artista search ng GMA na Starstruck na magsisimula na next month.

Isa si Megan sa mga produkto ng Starstruck batch 2 noong 2004 (kung saan nanalo sina Ryza Cenon at Mike Tan). Pero ngayon ay siya na nga ang magho-host nito.

Ano nga ba ang maibibigay niyang payo sa mga kabataang Pinoy na nangangarap makasali sa Starstruck? “Kung manalo kayo, that’s a great thing, so always aim to win. But don’t step on other people to get your way there.

Kailangan maganda pa rin ‘yung path mo, hindi ka nang-aapak ng ibang tao para mag-succeed ka. “And kung mangyari na hindi ka manalo, don’t be too sad about it.

Kasi tingnan mo ako, Avenger ako, pero nagsikap talaga ako to achieve my dreams, even it did take a while. “Sometimes, things may not happen right away for other people, but you’ll have to work hard for that,” pang-beauty queen pang sagot ng rumored girlfriend ni Mikael Daez.

Read more...