Sakto ang show ni Vice Ganda sa ibang bansa sa panahon ng Kwaresma. Pinagsabay na rin kasi niya ang pleasure niya while doing his concert tour sa ibang bansa.
This is also the reason kung bakit wala si Vice sa taped episodes ng It’s Showtime. Although, nakapag-taped naman siya ng kanyang drama episode for the Lenten presentation.
Doon na rin sa US nag-extend ng kanyang birthday celebration si Vice kasama si Enchong Dee. On his birthday ay pinost ni Vice ang old photo niya or rather noong lalaking-lalaki pa raw siya during his teen years at ang tawag pa sa kanya noon ay Tutoy.
Masayang-masaya ngayon si Tutoy dahil sa rami ng mga bumabati sa kanya at nagmamahal ngayon. Doon nilahad niya na napakaraming pinagdaanan ni Tutoy. Isa na diyan ang hindi pagtanggap ng marami sa kanya.
Sa kabila nito, nginitian lang daw niya. “Marami syang nakasalamuha. May mabait at may masama. At lahat ng ito kanyang pinasalamatan. Isang taon na naman ang lumipas at ngayon higit na syang mayaman.
Hindi lang sa pananalapi, kundi sa karanasan, pagmamahal, pagpapala, tagumpay, kaibigan at kaligayahan,” laman ng mensahe niya sa kanyang IG post.
Anuman daw ang hitsura at mukha niya ay tinanggap at minahal siya ng madla. Dugtong pa ng mensahe niya sa IG, “Tunay ngang sya’y kakaiba. Nag iisa. Maaring sa iba ay hindi sya maganda.
Ngunit anu man ang sabihin nila siya ay masaya. Masayang masaya. Dahil nilikha sya ng Diyos para maging masaya at makapagpasaya. Lahat ng ito sa Maykapal ipinagpapasalamat nya.
At wala ka nang magagawa dahil NGAYON ay PANAHON NYA. At sa oras na to sya ay si VICE GANDA!” Anyway, pagbalik ni Vice ng Pilipinas, haharapin naman niya ang paghahanda para sa kanyang nalalapit na concert sa Araneta Coliseum.
Then, bandang June ay sisimulan na niya ang shooting for his next movie project with Direk Wenn Deramas. Dalawang pelikula ang gagawin ni Vice this year.
Una with his long time friend na si Coco Martin at ‘yung pangalawa ay bilang mga super heroes kasama ang tambalang Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.
Whatever ang mauna, ‘yung matitira will most probably Vice’s entry sa Metro Manila Filmfest sa December.