JM de Guzman dedma sa sumpa, binalikan pa rin si Jessy Mendiola

jessy jm guzman
Kung ang pagbabasehan ay ang kumakalat na larawan nina Jessy Mendiola at JM de Guzman sa social media, naniniwala na rin kami na nagkabalikan na ang dalawa.

Ibig sabihin, hindi natakot ang binata sa mga pagbabanta sa kanya ng fans. May mga nagsabi kasing mga followers ni JM na mamalasin siya uli at tuluyan nang mawawalan ng career kapag nakipagbalikan siya kay Jessy.

Ito raw kasi ang dahilan kung bakit nagkawindang-windang ang buhay niya noon na nauwi pa nga sa pagkagumon niya sa bisyo. Nabigyan na raw siya ng ikalawang pagkakataon kaya huwag na raw niyang sayangin nang dahil lang kay Jessy.

Pero kamakailan nga ay kumalat ang picture nila ng Kapamilya actress kung saan makikita silang magkasama ni Jessy, ang isa pa nga ay karga-karga niya ang aktres.

Hindi man kita ang kanilang mga mukha, naniniwala ang netizens na silang dalawa nga ang mga nasa larawan.Mismong si JM ang nag-post ng nasabing litrato sa kanyang Instagram account na may caption na “#tadhana” na obviously ay galing sa last movie niya na “That Thing Called Tadhana” kung saan nakasama niya si Angelica Panganiban.

Sa nabasa naming mga comment mula sa followers ni JM, iisa ang naging tanong ng mga ito, kung Jessy nga ba ang babaeng karga-karga niya sa litrato at kung nagkabalikan na ba sila talaga.

Kamakailan ay nagsalita si Jessy na hindi naman imposibleng magkabalikan sila ni JM, nag-dialogue pa nga ito ng, “Bakit hindi? Love is sweeter the second time around.”

Pero sa isa namang interview sa dalaga, “Siguro mas mabuting siya ang tanungin ninyo tungkol du’n. We are good friends right now.”

Kaugnay nito, isa pang picture ang kumalat sa social media kung saan magkatabi sina Jessy at JM, sinasabing isang kaibigan nila ang nag-post nito at nilagyan pa ng caption na: “We accept the Love we think we deserve – Stephen Chbosky.”

Well, wala namang masama kung magkabalikan man ang dalawa. Buhay naman nila ‘yan at wala na tayong magagawa kung talagang nagmamahalan sila, di ba?

Read more...