INILABAS na sa Asian Hospital ni Robin Padilla ang kanyang misis na si Mariel Rodriguez noong Miyerkules ng tanghali. Todo-todo ang pasasalamat ni Robin sa mga doktor na gumamot kay Mariel at sa mga nurse na nag-alaga sa kanyang misis.
Tumagal din ng halos tatlong araw sa loob ng hospital si Mariel. As we all know, namatay sa sinapupunan ni Mariel ang first baby nila ni Robin. It was indeed very devastating sa mag-asawa.
But now, medyo naibsan na ang pain sa puso ni Mariel sa nakikita niyang pag-aalaga na ginawa sa kanya ni Robin habang naka-confine sa ospital.
Sa katuwaan ni Mariel kay Robin, ipinost niya ang picture ng asawa habang nakaluhod at akmang nagdarasal noong umaga bago sila lumabas ng ospital. Hindi raw siya pinabayaan at iniwan ni Robin.
Kahit may bantay, si Robin pa rin daw ang agad-agad ang nagdadala kay Mariel sa banyo every time. At kahit daw natutulog ay agad na gumigising si Robin para alalayan siya.
Eto ang ipinost ni Mariel, “I love you, thank you for taking care of me. He slept on the floor (so that my yaya could sleep on the sofa bed), he woke up everytime i needed to go to the bathroom, accompanied me to the toilet every single time, documented everything, when i would set off a certain ‘attitude’ he would be nicer, ordered my favorite food (buffalo wings), got me a comfortable room and he also paid for the hospital bill (dun yata siya nasaktan hehehe) thank you babe! i love you!!! @robinhoodpadilla you are my blessing.”
For now, malamang sa bahay ni Robin sa Parañaque magpapagaling ng husto si Mariel at babawi ng lakas ngayong Holy Week. Then after that, maghahanda naman siya for her comeback on television.
Yes, ‘Vin! May bagong show si Mariel sa Happy network na magsisimula na rin this month. We got this news from a very reliable source. Balik talk show si Mariel after doing series of hosting job from Willie Revillame’s former show na Wowowillie to her hubby’s Talentadong Pinoy.
According to our source, Mariel will host a lifestyle show with some other co-hosts. This time pawang mga young wives naman ang mga makakasama ni Mariel sa bagong talk show ng TV5.
Siyempre, bawal pang sabihin ang title ng bagong show ni Mariel sa Happy network at kung sinu-sino ang mga makakasama niiya. Kaya abangan na lang sa TV5 ang bagong show ni Mariel.