3 sa 5 botante lamang ang maaaring bumoto sa 2016-SWS
Leifbilly Begas - Bandera April 01, 2015 - 04:27 PM
Ayon sa survey ng Social Weather Station, 63 percent of 37.4 milyong botante pa lamang ang na-validate ng Commission on Elections at maaaring makaboto sa darating na halalan.
Ang mga nakarehistro naman pero hindi pa nakakapagpa-validate ay 17.8 milyon samantalang ang hindi rehistrado ay 4.5 milyon.
Sa inilabas na resolusyon ng Commmission on Elections noong 2013, sinabi nito na ang makaboboto lamang sa susunod na halalan ay ang mga botante na nakapagpa-validate.
Ang isang validated voter ay ang botante na nakarehistro at nakuhanan ng biometrics gaya ng fingerprint, digital picture at pirma.
Pinakamarami ang validated na botante Sa Mindanao na naitala sa 69 porsyento. Sumunod ang Visayas (64 porsyento), Luzon maliban sa Metro Manila (63 porsyento) at sa Metro Manila (50 porsyento).
Ginawa ang survey mula Nobyembre 27-Disyembre 1 at kinuha ang opinyon ng 1,800 respondents.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending