Loan condonation sa SSS | Bandera

Loan condonation sa SSS

Liza Soriano - April 01, 2015 - 03:00 AM

AKO si Feliciano Castillo. May tanong sana ako sa SSS. Ang aking SSS no. ay ….793-0.

Mayroon kasi akong loan sa SSS. Medyo matagal na ‘yung loan ko at nais ko sanang malaman kung magkakaroon pa uli ng condonation.

Ang laki kasi ng penalty. Gusto ko nang bayaran ‘yung loan ko kaya lang medyo nabibigatan ako sa penalty.

Sana magkaroon na muli ng condonation ang SSS nang sa gayon ay mabayaran na ang matagal kong loan.

Kailan kaya magkakaroon ng condonation ang SSS?

Umaasa po ako sa pagkakaroon ng condonation ang SSS.

Thank you.
Feliciano Castillo

REPLY: Ito ay kaugnay ng sulat ni G. Feliciano Castillo hinggil sa kanyang katanungan kung ang SSS ay magbibigay bang muli ng Loan Condonation.

Sa kasalukuyan ay wala pa pong ipinatutupad na Loan Penalty Condonation Program ang SSS. Aming pinapayuhan si Ginoong Castillo na bayaran ang kanyang balanse sa loan. Ito ay maaaring bayaran nang buo o installment.

Nais lang po naming ipaalam na ang penalty at interest ng loan ay patuloy na madadagdagan hangga’t hindi nababayaran nang buo ang loan.

Kung ang loan ay hindi mababayaran, ang buong halaga ng kanyang utang ay ikakaltas sa kanyang final claim.
Nais po naming ipaalam na bago makapagbigay na loan penalty condonation ang SSS, kinakialangan munang pag-aralang mabuti upang malaman kung nararapat bang magbigay nito.

Ito rin ay hindi basta-bastang naipapatupad sapagkat ito ay kaila-ngan pang aprubahan ng Pangulo ng Pilipinas.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ni G. Castillo. Salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Sumasainyo,

MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security
Officer IV
Media Affairs
Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending