Mawawalan ng bola ng lotto sa loob ng apat na araw simula Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, operator ng lotto sa bansa, walang bola at walang tayaan sa naturang mga araw bilang pagrespeto sa Mahal na Araw.
Nagpasalamat naman si PCSO General Manager Atty. Jose Ferdinand Rojas II sa patuloy na pagtangkilik sa lotto.
Sa bawat P1 na itinataya sa lotto 55 sentimos ang napupunta sa Prize Fund o ang ibinabayad sa mga nananalo, 30 sentimos sa Charity Fund o pantulong sa mga mahihirap na pasyente at mga pangangailangan ng ospital at ang nalalabi sa operasyon ng nito.
MOST READ
LATEST STORIES