Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang bagyong may international name na Maysak ay tatawaging Chedeng pagpasok sa PAR.
Kahapon ang bagyo ay nasa layong 1,820 kilometro sa silangan ng Northern Mindanao.
Mayroon itong dalang hangin na umaabot sa 175 kilometro bawat oras at pabugsong 210 kph. Umuusad ito ng pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
“The Typhoon is still too far to affect any part of the country,” saad ng PAGASA.
Mahigit sa 20 bagyo ang pumapasok sa PAR taon-taon.
MOST READ
LATEST STORIES