Julia Barreto, James Reid nahuling magka-date sa coffee shop

james reid
Naispatan sina Julia Barretto at James Reid na magkasama habang nasa isang coffee shop sa Quezon City recently.

Of course, tongues started wagging. Siyempre pa, si James ang sinisisi dahil bakit daw nito in-allow na makunan siya ng picture na kasama si Julia na hindi naman niya leading lady.

Ang JaDine fans nagwawala na naman, ang feeling nila ay wala talagang kuwentang kalabtim si James. Ang feeling nila, dapat ay exclusive lang ito kay Nadine Lustre.

Of course, masama rin ang naging dating nito kay Julia. Ang tingin ng marami sa kanya ay she’s out to get James from Nadine, na inaagaw niya ang binata mula sa dalaga.

Ang payo ng isang guy ay maging conscious naman daw si James sa kanyang nakakasama. Alam naman niyang meron siyang kalabtim kaya mag-concentrate na lamang siya kay Nadine.

Gano’n? So, since he’s part of a loveteam ay wala na palang karapatan si James na makitang kasama ang ibang young celebrities, ganoon ba ‘yon?

Bakit nga ba ipinagpipilitan ninyong magkagustuhan sina James at Nadine when it was obvious that hindi naman type ng binata si Nadine?

Actually, ang feeling namin ay napipilitan lang pakisamahan ni James si Nadine. Hindi niya type ang dalaga. Period!!!

Read more...