Pinay fighter Josie Rizal pasok sa Tekken 7

josie rizal

SIGURADONG matutuwa ang mahihilig sa popular na video game na “Tekken 7” dahil sa wakas ay magkakaroon na rin ito ng Filipino character.

Tiyak na sisikat din nang bonggang-bongga si “Josie Rizal”, ang female Pinoy character sa “Tekken 7”, and obviously, she was named after our National Hero na si Dr. Jose Rizal.

Kasabay na ni-launch ng nasabing video game ang dalawa pa nitong bagong character – sina Jin Kazama at Devil Jin.
Mismong ang Pinoy ding si Mark Julio ng Mad Catz, isang gaming accessories manufacturer, ang nag-post sa kanyang Twitter account ng mga litrato ng nasabing Tekken Pinay character.

Kasama rin daw si Mark sa pagde-design kay Josie Rizal. Ang costume ni Josie Rizal ay isang gold blouse at blue skirt with matching gladiator sandals.

Meron din siyang red headband. Ang panlaban ni Josie Rizal ay ang power niya sa kickboxing at Eskrima.

Read more...