Japan honeymoon nina Heart at Chiz hinarang

heart evangelista
Naughty-naughty-han lang nang konti on a Holy Tuesday, okey? Paalala lang actually kina Sen. Chiz Escudero and Heart Evangelista na nagpahayag ng saloobin that they feel so good dahil matutuloy din finally ang honeymoon nila this Holy Week sa Japan.

Wala raw kasi silang time na mag-honeymoon after ng kasal nila dahil pareho silang naging busy – lalo na si Sen. Chiz na isang politician.

Pero wait, paalala lang sa kanilang dalawa na ang Holy Week ay hindi honeymoon time ha, dapat nga rito ay magtika. Walang sex until Easter Sunday.

Natural, pag sinabi mong honeymoon kasi, may kasama talagang pagtatalik iyon sa bagong kasal. Huwag na tayong magpaliguy-ligoy pa – they have to observe that.

Kasi nga, mga Katoliko sila, di ba? Bawal ngang kumain ng karne lalo na sa Maundy Thursday, Good Friday and Black Saturday. Dapat nga ay kasama sa penitensiya natin ang fasting lalo na sa araw ng Friday.

Kahit skipping one full meal lang ay puwede na. Pero para sabihin nilang magha-honeymoon sila at proud pa nilang sinabi ito ha, hey – better behave. Ayaw ni Lord ng ganyan.

Minsan lang dumaan sa isang taon ang Holy Week kaya dapat igalang natin ito. Or else, magagalit sa inyo ang Panginoon. Kayo rin.

Read more...