Jolina wagi sa ikatlong YFSF showdown bilang si Cher

jolina magdanagal
Si Jolina Magdangal ang nag-number one sa ikatlong showdown ng Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN nitong weekend. Ginaya ni Jolens ang Hollywood performer na si Cher.

Umani ng papuri ang performance ni Jolina mula sa judges ng show at sa mga manonood. Nakakuha siya ng total of 26 points at natalo ang pito pang contestants sa YFSF.

Si Melai Cantiveros ang nasa second place kung saan ginaya naman nito si Blakdyak impersonation, ikatlo si Edgar Allan Guzman na nag-Daniel Padilla.

Bigo na namang magwagi ang aming personal bet sa third week ng Your Face Sounds Familiar na si Nyoy Volante na ang galing-galing sa performance niya as Tina Turner.

Waley na waley pa rin sa madlang pipol ang panggagaya ni Maxene Magalona kay Ariana Grande at ni Tutti Caringal kay April Boy Regino.

Next week, duet ang drama ng programa: Gagayahin nina Melai at Tutti Caringal ang Salbakuta; Jay-R and Karla Estrada as Kenny Rogers and Dolly Parton; Jolina and Nyoy Volante as Aegis; at Edgar Allan at Maxene Magalona as Olivia Newton-John and John Travolta.

Read more...