Pacman nakuha ang mansyon sa Beverly Hills matapos magbigay ng 4 na tiket

manny pacquiaoNATALO umano ni boxing champ Manny Pacquio ang dalawang bidder para makuha ang $12.5 milyong halaga ng mansyon sa Beverly Hills matapos alukin ang dating mga may-ari nito ng apat na tiket para sa kanyang laban sa Mayo 2.
“No doubt it helped,” sabi ni Elsa Nelson, ang realtor ni Pacquiao sa panayam ng USA TODAY. “The sellers are great fans of boxing and of Manny, so it was a big deal.”
“The boxer has already given a tour of the property, in a gated development in Beverly Hills, to his wife Jinkee and their children. The purchase came with a provision that the house came move-in ready; fully stocked with furniture and home goods – and according to Nelson the sellers, Gail and Roger Dauer, even threw in a full supply of Pacquiao’s favorite drink — orange Gatorade,” ayon pa sa artikulo.
Nagkakahalaga ang tiket para sa super fight sa MGM Grand mula $1,500 hanggang $10,000 para sa upuan sa ringside, samantalang limitado lamang ang ibebenta sa publiko.
Inaasahang aabot sa $400 milyon ang kikitain sa laban sa pagitan ni Pacquiao at Floyd Mayweather.
Aabot naman sa $100 milyon ang inaasahang kikitain ni Pacquiao sa laban.

Read more...