RUFFA nanakawan, YAYA agad sumaklolo

Nangyari raw mismo sa loob ng paborito niyang salon sa Makati

Muntik na palang manakaw ang cellphone ni Ruffa Gutierrez recently. At nangyawri raw ‘yan habang siya’y nagpapaganda sa isang sosyal na salon.

“Someone just stole my phone at the salon I frequent in Rockwell!! In Whoever took my phone makarma ka sana!” ang nabasa naming tweet ni Ruffa na feel na feel mo ang pag-aalala.

Pero patawag na raw sana sa pulisya ang TV host-actress nang makita ng kanyang yaya ang kanyang nawawalang cellphone.

“In a matter of minutes my phone disappeared! I swear I was 3 minutes from calling the police!

We searched & guess what??

My yaya found it!” tweet muli ng TV host-actress.

Itsinika ni Ruffa kung saan nakita ang kanyang nawawalang mobile phone, “My phone was switched off & carefully tucked inside the tissue dispenser! Sneaky! Sorry sa nagbalak nakawin ang phone ko! Nabawi ko! GRRRR!!”

Sigurado kami, kung nakuha nga ng nasabing magnanakaw ang cellphone ni Ruffa, pinagpipiyestahan na sa internet ang mga itinatago niyang sirekto na naka-save  doon, kung meron man!

Read more...