GERALD pumasok sa GAY BAR

Nanood ng mga nagsasayaw na macho dancer

Talaga palang pumunta sa isang gay bar si Gerald Anderson at inaming nanood ng mga macho dancer na nagsasayaw doon.

Pero mabilis na nilinaw ni Gerald na ito’y bahagi lang ng naging preparasyon niya sa bago niyang pelikula kung saan muli niyang makaka-partner si Kim Chiu.

Gaganap na macho dancer si Gerald sa “Crazy Love” na ipinrodyus ng Star Magic.

Makakasama rin nila rito sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Angelica Panganiban, Bea Alonzo at iba pang talents ng Star Magic.

“Ang role ko po kasi ay macho dancer, isang call boy.

Kaya po ako nagpunta sa gay bar dahil kailangan pag-aralan ko ‘yung karakter para mabigyan ko ng justice,” paliwanag ni Gerald.“Nu’ng pumasok nga ako du’n, nakasuot ako ng cap para hindi ako makilala ng mga taong nandu’n.

Tsaka madilim kaya walang nakakilala sa akin.

Tapos ‘yun na nga, nanood ako ng mga sumasayaw sa stage.

Masasabi kong kakaibang experience.

Pero sabi ko nga, baka ‘yun na rin ang last, hindi na siguro mauulit.

Ha-hahaha!” pahayag pa ng Kapamilya leading man.

Read more...