Lola namatay nang hindi napagbigyan ang wish na makita si Willie

willie revillama

Mas madalas nang nasa Tagaytay ngayon si Willie Revillame kasama ang kanyang production staff. Pribado ang lugar, nasa ituktok ng bundok ang kanyang mansiyon sa Iruhin, siguro nga ay nakadadagdag ‘yun sa pagbabalangkas ng kanyang grupo sa magiging segment ng kanyang bagong programang Wowowin.

Ilang linggo na lang ay magbabalik-telebisyon na si Willie, minarkahan na ng kanyang mga tagasuporta ang petsang April 26, Kapuso na ang aktor-TV host.

Kuwento ng isang anak-anakan naming negosyante, “Sayang, hindi na siya nakita ng lola ko, gustung-gusto niya si Kuya Wil. ‘Yun lang ang wish niya, ang makapunta sa studio ni Willie para makaharap niya nang malapitan ang idolo niya.

“Pero wala na ang lola ko, namatay siya nu’ng walang show si Willie, nanghihinayang kami sa chance na nakita sana niya ang taong nagpapasaya sa kanya,” kuwento ng aming kaibigan-anak-anakan.

Kung masaya si Willie sa nalalapit niyang pagbabalik-TV ay mas maligaya ang mga kababayan nating matagal nang sabik na sabik sa kanya, lalo na ang mga senior citizens, na napakalapit sa kanyang puso.

Maririnig na naman kasi nila ang linyang “Bigyan ng jacket ‘yan!” Si Willie ang nagpasikat nu’n na talagang na-miss ng ating mga kababayan.

Read more...