Geoff Eigenmann naaksidente sa taping, namaga ang mata

geoff eigenamann

Isinugod sa ospital si Geoff Eigenmann matapos maaksidente sa taping ng kanilang teleseryeng Kailan Ba Tama Ang Mali? sa GMA 7.

Ayon sa ulat ng GMA, aksidenteng nasuntok sa kanang mata si Geoff sa isang eksenang kinukunan sa set ng programa. Magang-maga ang mata ng aktor matapos ang nasabing insidente kaya agad itong dinala sa pinakamalapit na ospital.

Binigyan agad ng first aid si Geoff pagdating sa ospital at agad na pina-check up ang namagang mata. Wala naman daw grabeng pinsala sa mata ni Geoff at agad ding pinauwi ng doktor.

Base sa report, isang fight scene ang ipinagawa kay Geoff sa seryeng Kailan Ba Tama Ang Mali? pero nagkamali raw ng suntok ang kaeksena ng aktor at tinamaan nga siya sa kanang mata.

Noong una ay hindi masyadong ininda ni Geoff ang sakit ng suntok sa kanya pero matapos ang ilang minuto ay sumakit na nang todo ang kanyang mata dahil namamaga na nga ito.

Pinayuhan naman ng doktor si Geoff na mag-ingat na sa susunod dahil delikado kapag mata na ang napuruhan.

Read more...