P15M jackpot nasolo sa Cavite

Lotto 6/42

Lotto 6/42

SA Cavite tumaya ang nanalo ng P15.1 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola noong Sabado ng gabi.Ayon kay At ty. Jose Ferdinand Rojas II, ang nanalo ay tumaya sa Molino III, Bacoor, Cavite.
Siya ang nag-iisang nakakuha sa mga numerong 19-10-05-37-16-03. Nagkakahalaga ng P14.6 milyon ang itinaya sa naturang bola.
Nanalo naman ang 29 mananaya na nakakuha ng limang numero ng tig-P25,000.
Tig-P330 naman ang napanalunan ng 1,780 mananaya na naka-apat na numero. Balik-taya (P20) naman ang 26,099 mananaya.

Read more...