Bianca Umali pinaligaya ang mga streetchildren

miguel bianca umali

PINATUNAYAN ng Kapuso teen star na si Bianca Umali na hindi dapat natatapos ang pagbibigay saya sa kapwa on-cam.
Sa kabila ng kanyang busy schedule ay nagawa pa rin ng Kapuso actress na magkaroon ng post-birthday celebration kasama ng mga bata ng Kaisang Buhay Foundation sa tulong ng GMA Artist Center.

Ginanap ito noong March 26, sa Art In Island sa Cubao, Quezon City.  Sey ni Bianca, “I am very happy and thankful to celebrate and share my blessings with the street children of Kaisang Buhay Foundation.”

At bukod sa napasaya niya ang mga bata sa munti niyang regalo sa kanila ay na-enjoy rin talaga ni Bianca ang nasabing event dahil na rin sa hilig niya sa art.

Mapapanood si Bianca gabi-gabi sa Once Upon A Kiss, tuwing Linggo sa Ismol Family, at sa variety show ng GMA na Sunday All Stars.

Samantala, tutukan ang mga susunod na mga eksena sa Once Upon A Kiss sa pagpapatuloy ng kuwento nina Prince at Ella. In fairness, mas dumarami pa ang sumusubaybay sa serye nina Bianca at Miguel sa GMA Telebabad dahil sa values na itinuturo nito sa mga kabataan.

Napapanood ang Once Upon A Kiss pagkatapos ng Pari ‘Koy.

Read more...