Bitoy, Joey, Kim, Derek, Vice milyun-milyon din ang binayaran sa tax

michael v

MAY 15 showbiz personalities pa ang pumasok sa listahan ng top 500 taxpayers ng BIR. Bukod pa ito sa mga pangalang naisulat namin kahapon dito sa BANDERA na napabilang sa top 10 local celebrity taxpayers para sa taong 2013 kung saan nanguna si Manny Pacquiao na sinundan nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz.

Nalaglag naman sa unang pwesto si Kris Aquino na siyang pinakamalaking ibinayad na buwis noong 2012. Nasa ikalimang pwesto lang si Kris sa pinakabagong listahang inilabas ng BIR kung isasama nga ang pangalan ni Pacman sa official list.

Ang ilan pang artistang nagbayad ng milyun-milyong tax noong 2013 hanggang 2014 ay sina Michael V with P17,011,522; Charo Santos na nagbayad ng P14,569, 807; Boy Abunda, P14,188,864 at Ogie Alcasid with P13,267,455.

Pasok din sa listahan sina Derek Ramsay, P12,736,337; Angelica Panganiban, P12,073,788; Robin Padilla, P11,840,456, Joey de Leon, P11,616,048; Kim Chiu, P11,326,079; Vice Ganda, P10,571,997; KC Concepcion, P10,397,528; Toni Gonzaga, P9,951,372; Angel Locsin, P9,788,026; Luis Manzano, P8,857,810; at AiAi delas Alas, P8,718,582.

Read more...