Kalat na: Heart tatakbo sa 2016 election

heart evangelista
BALITANG tatakbo raw sa isang local government position si Heart Evangelista sa bayan ng Sorsogon sa darating na 2016 elections. Doon kasi isinalang at lumaki ang mister niyang si Sen. Chiz Escudero.

Ayon sa chika, may mga kumukumbinsi kay Heart na sumabak na rin sa mundo ng politika tulad ng kanyang asawa na balitang tatakbo naman sa mas mataas na posisyon sa upcoming presidential elections.

Sa grand opening ng bagong Uncle Tetsu Cheese Cake branch sa SM Megamall kamakailan na ine-endorse ni Heart, natanong ang Kapuso actress tungkol sa politika, at mariin itong itinanggi ng misis ni Chiz.

“Well, I have nothing against sa artistas running for politics, but I don’t see the point to run. Unless it’s your destiny, why not? Pero isa lang ang politiko sa buhay namin, okey na siguro.

“If you really wanna help…I mean, if you have the means as artista, you can help. You don’t really have to be in power, kasi you’re already empowered by all the attention, and leading an example, ‘di ba? So, technically, no need to be in power.

What for? Just help and help,” paliwanag nito. Samantala, masayang ibinalita ni Heart na sa kabila ng hindi pagpunta ng mga magulang niyang sina Rey at Cecile Ongpauco sa kasal nila ni Chiz ay mas maayos na ngayon ang kanilang pamilya.

“I was with my dad two times this week. Sinamahan ko siya sa ospital, nagpa-check-up siya, and we’re very good. My mom is back in the States, so hindi pa kami nagkakausap personally.

Pero sa phone, magkausap na kami. Okey naman, okey naman… pero siyempre hindi puwedeng biglain na parang…di ba?
“What’s important is that nag-uusap na. And I’m not angry, I’m not nagtatampo.

Okey na ako, so madali na lang siguro ‘yan,” sey ni Heart. Biniro siya ng press na baka naghihintay lang ng apo ang kanyang nanay, kadalasan kasi ay lumalambot ang puso ng mga mommy kapag nakita na ang apo nila, tugon ni Heart, “A, ‘di ko alam, baka mas lalong mabigla.”

Sa 2016 plano ng mag-asawa na magka-baby, pero ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ito ni Heart.

Read more...