Footwork ni Pacquiao krusyal para manalo

manny pacquiao

BUKOD sa angking bilis sa pagsuntok, magiging krusyal sa hanap na panalo ni Manny Pacquiao ang ipakikitang footwork laban kay Floyd Mayweather Jr. sa sa kanilang sagupaan sa Mayo 3 (PH time).

Ayon kay Roach, dapat ay maulit ng pambansang kamao ang inilaro niya kontra Chris Algieri para tumibay ang kanyang paghahangad na patikimin ng kauna-unahang pagkatalo ang pound-for-pound king na si Mayweather sa mega-fight na gagawin sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

“One thing about Manny is, his legs are very solid,” wika ni Roach sa Ontheropesboxing.com.

Tinuran ni Roach na hindi nilubayan ni Pacquiao si Algieri sa kanilang laban para makuha ang kumbinsidong panalo nang anim na beses niyang pinatumba ang dati ring walang talong katunggali.

Ayon din kay Roach, hindi na bagito si Mayweather at ang kanyang pagkahilig na sumandal sa lubid ay ginagawa niya para ipahinga ang mga binti.

“I believe that he has to go to the ropes to rest a little bit because his legs are a little shot. That’s always the first thing to go with a fighter,” ani ni Roach.

Kaya naman mga bata ang mga kinuha niyang sparmates ni Pacquiao para matiyak na mapapakilos siya sa kanilang sparring.
“I think he (Pacquiao) has better legs than Mayweather and I think that’s gonna be the difference in the fight,” dagdag pa ni Roach. —Mike Lee

Read more...