KITANG-KITA namin ang kaligayahan ng Kapuso leading lady na si Heart Evangelista sa kanyang aura nang humarap siya sa entertainment media nu’ng Huwebes ng hapon para sa bago niyang endorsement.
Si Heart ang napiling celebrity endorser ng sikat na sikat na ngayong Uncle Tetsu Cheese Cake – siya ang nag-cut ng ribbon kasama ang mga bossing ng Uncle Tetsu sa bagong branch nila sa SM Megamall.
Mas gumanda siya nga-yon at medyo nagkalaman matapos ang kasal niya a month ago. Kaya naman tinuksu-tukso siya ng press na magaling palang mag-alaga ng misis si Sen. Chiz Escudero. Ang diretsong sagot naman ng aktres, “He’s such a perfect husband!” Taray, di ba?
Ayon sa Kapuso actress, hindi mahirap ang maging misis ni Chiz, but she admitted that it’s a “bit intense,” dahil nga nasa politika ang kanyang asawa.
“But you know, he’s perfect guy, a perfect husband. He will bring you down on the ground for a bit to make things normal. And, di ba, he’s older than me, mas marami na siyang karanasan sa buhay, so, ako, parang ang gusto kong gawin, yung kahit minsan, malampasan ko kung ano yung mga nalalaman niya. Gusto ko siyang i-surprise na may mga alam din ako na hindi pa niya alam,” saad ni Heart.
“And you know, they always ask me kung may mga adjustments and all that, parang wala namang major adjustments kasi sobra siyang magmahal, grabe siyang mag-alaga, kaya nasabi ko rin na he’s the perfect husband for me,” hirit pa ng aktres.
Kung siya ang masusunod, gusto ni Heart na magkaroon na sila ng anak ni Chiz sa 2016, handang-handa na raw siyang magbuntis at maging mommy. Sa katunayan, this early ay nagpe-prepare na siya, “Yes, nagtanong na ako sa doktor about pregnancy, inalam ko na ang do’s and don’ts para maihanda ko ang sarili ko.”
Pero ang tanong, hindi kaya mapurnada ang kanyang pagbubuntis kung sakaling tumakbo sa mas mataas na posisyon si Chiz sa 2016 elections?
“I don’t know kung tatakbo siya, but if he will run, maybe I have to wait a little more. Kasi siyempre, kaila-ngan ko rin siyang suportahan sa mga ginagawa niya as public servant. Pero kung kaya namang pagsabayin, why not, di ba?” tugon ni Heart.
May mga balita na may kumukumbinse rin daw kay Sen. Chiz na tumakbo sa 2016 bilang presidente, kaya natanong si Heart kung handa na ba siyang maging First Lady? Sagot ni Heart, hindi raw niya ito naiisip dahil naka-focus siya sa pag-aalaga sa kanyang asawa, pati na rin sa mga anak ng senador sa unang asawa nitong si Christine Flores.
Bukod dito, magsisimula na rin siya very soon sa next teleserye niya sa GMA 7 kung saan makakasama niya ang kanyang kaibigang si Lovi Poe.
Samantala, obvious naman na may kinalaman ang pangalan ni Sen. Chiz sa pagkuha ng Uncle Tetsu Cheese Cake kay Heart bilang endorser. Sabi ng may-ari ng franchise ng popular Japanese cheesecake brand sa bansa na si Walter Co, naniniwala sila na ang “gentle, elegant, and multi-dimensional image” ni Heart ay swak na swak sa kanilang produkto.
“Being a fine woman, she perfectly represents our fine line of cheesecakes,” ani Mr. Co.
Originating from its Japanese hometown, Fukuoka, in 1985, Uncle Tetsu was named after its founder Mizokami Tetsushi, chika naman ni Heart, “With its unique flavor and a melt-in-your-mouth goodness unchanged over the past decades, Uncle Tetsu cheesecakes have found their way to China, Thailand, Singapore, Malaysia and Taiwan. It opened its first store in the Philippines in July, 2014.”