Julia: Mas mabuting magkaibigan muna kami ni Iñigo!

julia barrtto
Magkaibigan lang sina Julia Barretto at Iñigo Pascual. Hindi totoo na may relasyon na ang dalawang bida ng upcoming new series ng Dreamscape Entertainment sa ABS-CBN na And I Love You So kasama si Miles Ocampo.

“Alam namin sa isa’t isa na we’re just really good friends. That’s our relationship. Ganoon ‘yung friendship namin. We are so comfortable with each other,” chika ni Julia sa interview ng Aquino & Abunda Tonight.

Sina Julia at Iñigo na ang bagong loveteam na ibebenta ng ABS, bukod kasi sa serye nilang And I Love You So, magkasama rin sila sa pelikulang “Para sa Hopeless Romantic.”

Pero ani Julia, hindi naman daw niya isinasara ang pinto ng puso niya para sa binatang anak ni Piolo Pascual, sa ngayon mas mabuting maging magkaibigan na lang muna sila tutal they are still young.

“For me it’s better (friends mina) kasi hindi ka awkward, hindi ka conscious,” sey pa ng dalaga. Samantala, para sa lahat ng supporters ng Kapamilya princess, mapapanood na sa Linggo (March 29) ang Just Julia Beautiful@18, ang Debut Special ng isa sa mga pinakasikat na showbiz royalty ngayon.

Mapapanood ang mga preparasyon at ang engrandeng debut ng taon na dinaluhan ng mga kilalang personalidad sa showbiz kabilang ang talked of the hour na pagdalo nina Dennis Padilla at Claudine Barretto.

Mas makikilala pa ang tunay na Julia sa likod ng camera bilang isang anak, kapatid at kaibigan sa nasabing one hour special.
Ilan sa mga highlights ng special ang weekend family bonding ni Julia sa Bulacan, ang get away vacation at surfing bonding sa La Union kasama si Iñigo, sorpresang debut party ng fans ni Julia, ang kanyang gift giving sa mga supporters at marami pang iba.

Ang Just Julia Beautiful@18 ay mapapanood sa Sundays Best ngayong Linggo na pagkatapos ng GGV sa ABS-CBN.

Read more...