Mega pinabayaan ang staff ng ABS na lumipat sa TV5?

sharon cuneta1
Bongga ang pagbabalik ni Megastar Sharon Cuneta sa ABS-CBN via her new show Your Face Sounds Familiar. Consistent daw kasi ang show for getting high ratings since nagsimula itong umere two weeks ago.

Dahil diyan tiyak na pinaplantsa na ang isang malaking solo show for Mega sa Kapamilya network. Pwedeng maging kampante na raw ulit si Sharon and truly she can claim that she’s really back sa biggest network.

Kung kampante si Sharon at nakabalik na, may mga nakakwentuhan naman kami na nagtatanong kung kumusta naman daw ang mga dating mga taga-ABS na staff ni Mega sa kanyang show na sumama sa kanya when she left the station.

Hindi raw ba isinama ni Sharon ang dating staff niya sa Dos na binitbit niya sa TV5 pabalik ng ABS-CBN? Tsika ng isang kausap namin baka naman may ginagawa si Mega para tulungang makabalik din sa Dos ang dati niyang staff lalo na ‘yung walang trabaho ngayon.

Dahil dito, napunta tuloy ang usapan sa pagkukumpara kay Willie Revillame ni Mega. Buo pa rin daw kasi ang staff ni Willie na isinama niya palabas ng ABS-CBN at binitbit niya paglipat niya sa TV5.

And now, isinama rin sila ni Willie sa bago nitong show sa GMA.Sey naman ng kausap namin, unfair naman na ikumpara si Mega kay Willie. Magkaibang-magkaiba raw ng sitwasyon ngayon ang dalawa.

Unang-una, si Willie ang producer ng sarili niyang show sa Syete kaya pwedeng-pwede pa rin niya talagang bitbitin ang kanyang staff.

Read more...