Mistress, Me Stress!

GOOD morning po, Manang Pher.

Mahal na mahal ko po ang boyfriend ko. Ang kaso lang ay kabit lang niya ako. May asawa siya, pero kahit alam kong may asawa na siya ay mahal na mahal ko pa rin siya at parang nahihirapan akong iwan siya. Ano po kaya ang maaari kong gawin?

Alam kong mali ang ginagawa ko.
Gareth, 22,
Zamboanga City

A very pleasant day to you, Gareth of Zamboanga City!

Medyo nabagabag ang Manang Pher mo sa iyong idinulog na problema, my dear.

Ganoong naiintindihan ko naman na in-love ka nga sa iyong karelasyon at sa very young age na 22, I feel na you are too young to be in this kind of situation.

Hindi ba’t may movie na “The Mistress”? at panay ganyan ngayon ang mga tema ng telenobela na napapanood natin sa telebisyon ngayon? Nakakaloka, di ba?

Most of us are very uncomfortable with this topic and as always, we all like to see this plot in the big screen. Pero sa totoong buhay, we all still frown at this, kahit na ano pa ang dahilan ng affair.

So you’re asking your Manang what to do? Ang maipapayo ko sa iyo, my dear, is to think hard. Think about your future. Think about yourself, your own family, the guy’s wife and well, if he has kids, think about them too.

Sabi nga “giving love to someone is never a sin but there is exception. If you fall in love with someone who is already committed, then you are having a sin”. So paano mo gagawing maayos ang iyong future if you know that the man you’re willing to give your whole heart to is not able to do the same?

Papayag ka bang 2nd, 3rd, or 4th priority ka lamang sa buhay n’ya parati? Gusto mo bang itinatago ka sa lahat? I don’t know about you, but I would really feel insulted at malamang hindi ma-carry ng beauty ko ang ganyang set-up.

I hope you can get pass through your feelings for him.

Alalahanin mong lahat ng ating actions ay may consequences.

Kung may choice ka, why not choose a better future for yourself? Why not create a family that you can truly call your own? Ayaw mo ba na mas maaliwalas at mas masayang buhay? Yung may peace-of-mind at walang natatapakan?

As always, I’d like to share with you a quote I saw in Facebook. Hope this can help you get through: “I think part of the reason why we hold on to something so tight is because we fear something so great won’t happen twice.”

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Read more...