Sorry na lang: Jake pinagbawalang um-attend ng graduation

jake vargas
Pinagbawalan si Jake Vargas ng principal ng kanyang eskuwelahan na dumalo sa graduation rites.

This weekend na sana magmamartsa ang Kapuso actor sa New Cabalen High School sa Subic pero pinakiusapan siya ng school principal na ‘wag nang um-attend sa kanyang high school graduation.

Natatakot kasi ang principal na baka pagkaguluhan si Jake during the graduation ceremony. Ang nabasa naming chika, nagkaroon daw ng commotion nang kumuha si Jake ng modules niya sa school.

Hindi kasi regular student ang actor kaya kailangan niyang kumuha ng modules from time to time. Naunawaan naman ng binata ang principal kaya pumayag na rin ito.

Siguro ay nanghihinayang lang siya dahil ga-graduate na siya ng high school pero hindi niya mararanasan ang magmartsa.
Well, that’s the price he has to pay dahil sikat siya. Anyway, plano raw ni Jake na kumuha ng Culinary sa kolehiyo.

Read more...