Kolumnista ng Bandera kabilang sa 1,126 na nakapasa sa bar

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

 

KABILANG ang kolumnista ng Bandera sa 1,126 na nakapasa sa 2014 bar exam na pinangunahan naman ng isang nagtapos mula sa San Beda College.

Nakapasa si Fr. Dan De Los Angeles sa bar exam. Regular na kolumnista si Fr. De Los Angeles ng Bandera na kung saan lumalabas ang kanyag kolum na “The Good News” araw-araw.

Isang Katolikong pari si Fr. De Los Angeles.

Samantala, inihayag ng Korte Suprema na si Irene Mae Alcobilla, ng San Beda College ang nanguna sa bar exam matapos makakuha ng 85.5%. Bukod sa kanya, dalawang iba pang nagtapos ng San Beda ang pumasok sa Top 10.

Pumangalawa naman sa bar si Christian Drilon, ng Ateneo de Manila University, na may gradp ma 85.45%.

Kabilang sa mga nakapasok sa Top 10 sina Sandra Mae Magalang, University of the Philippines (3rd place, 84.6%); Mark Leo Bejemino, UP, Gil Garcia of Ateneo de Davao at Reginald Laco, ng De La Salle University Lipa (lahat ay 4th place, 84.55%); Michelle Liao, University of Cebu (5th place, 84.5%); Jose Angelo David of SBC (6th place, 84.45%); Adrian Aumentado, SBC (7th place, 84.35%); Rhey David Damay, UP at Fideliz Cardellie Diaz, ng Far Eastern University-De La Salle University Juris Doctor MBA (8th place, 84.2%); Jamie Liz Yu, ng UP (9th place, 84%); at Tristan Delgado, AdMU (10th place, 83.95%).

Read more...