Nietes, Donaire hindi dapat magkumpiyansa

HINDI dapat magpabaya sina Donnie Nietes at Nonito Donaire Jr. sa kanilang laban sa Sabado dahil idineklara ng mga dayuhang katunggali ang kahandaan na talunin sila.

Kalaban ni Nietes si Gilberto Parra ng Mexico para sa suot niyang World Boxing Organization (WBO) world junior flyweight title habang si Donaire ay susukatin ni William Prado ng Brazil para sa bakanteng World Boxing Council (WBC)  NABF super bantamweight belt.

Ang mga labang ito ang tampok na sagupaan sa Pinoy Pride 30 na handog ng ALA Promotions at suportado ng ABS-CBN sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

“Thank you for the opportunity given to me to fight for the title. I know this is a tough fight but I am prepared and I’m only thinking of winning this Saturday,” wika ni Parra (19-2, 17 knockouts) sa pulong pambalitaan kahapon sa Sequoia Hotel sa Quezon City.

Wala pang Mexicano ang nakatalo kay Nietes (34-1-4, 20 KOs) at alam ito ni Parra at handa umano siyang tapusin ang streak na ito.

“We know the history of Nietes with Mexican fighters. But everything has an ending and this Saturday is the ending of Nietes,” ginagarantiya pa ni Parra.

Si Prado (22-4-1, 15 KOs) ay kampante rin sa tsansang ipalasap kay Donaire ang kanyang ikalawang sunod na pagkatalo.

“I respect him a lot because he has won five titles. But I came here to make a good fight,” wika ni Prado. “I have seen his past fights in CD and I have prepared hard for this fight.”

Read more...