Tumakbo ka, Rody Duterte

DI raw tatakbo si Davao City Mayor Rody Duterte sa pagka-Pangulo sa 2016 dahil, sabi niya, matanda na siya.

Kalabaw lang ang tumatanda, Rody.

Ang mga babaero na gaya mo ay hindi tumatanda dahil palaging inspirado.

Ang 70, yan ang edad ni Duterte kapag siya’y maging Pangulo, ay bata pa.

Si Vice President Jojo Binay, na kakandidato sa pagka-Pangulo sa 2016, ay 72 years old.

Kapag siya’y nahalal na Presidente—Diyos na mahabagin, huwag po sana! —si Binay ay magiging 73 years old.

Kung si Binay ay mas matanda ng tatlong taon kay Duterte, 69, bakit di sinasabi ni Binay na matanda na siya?

Malakas ka pa, Rody, at marami kang magagawa sa bayan.

Ikaw lang ang makakatalo kay Binay na nangunguna sa popularity surveys ngayon.

Hahayaan mo ba, Rody, na malubog sa lusak ang bayan dahil hinayaan mong tumakbo at manalo si Binay?

Makakaya kaya ng konsensiya mo na isipin na ikaw ang magiging dahilan sa pagbagsak ng bayan?
Kung ikaw ay dedeklara na ikaw ay tatakbo sa pagka-Presidente sa 2016, babagsak sa survey si Binay.

Hinihintay ka lang ng karamihan na magdeklara na tatakbo ka.

Hindi ka pa man nagdedeklara, nasa pangatlo ka sa survey kasama si dating Pangulong Erap.

Nasa kulelat si Interior Secretary Mar Roxas, na magiging kandidato ng Liberal Party, sa survey.

Nangunguna si Binay at pangalawa si Sen. Grace Poe sa latest popularity survey.

Kaya ka lang nasa pangatlong lugar sa popularity survey ay dahil hindi alam ng taumbayan kung tatakbo ka.

Pabago-bago ka kasi ng iyong isip.

Kapag siniguro mo na na ikaw ay tatakbo, tingnan mo lang ang maging resulta—tatalon ka from third place to first place!

Bakit mo made-dislodge si Binay sa first place?

Dahil ikaw ay matinong opisyal. Hindi ka corrupt at walang bahid ang iyong pangalan kung corruption ang pag-uusapan.

Ang iyong kapintasan lamang, kung masasabing ito ay kapintasan, ay ikaw raw ang mamamatay-tao ng masasamang-loob sa iyong lungsod.

Mula nang ikaw ay maluklok sa Davao City bilang alkalde, nawala ang mga holdaper, akyat-bahay, mandurukot, bag-snatcher, rapists, drug pushers, drug traffickers sa siyudad.

Ang mangilan-ngilan na matapang at hindi nilisan ang lungsod ay nasalvage o nawala dahil dinukot ng kung sinong mga tao.

Sinasabing ikaw ay nasa likod ng Davao Death Squad ng iyong mga kaaway at mga human rights groups, pero kung totoo man ang paratang nila bakit hindi umaangal ang taumbayan?

Bagkus ay pinupuri ka pa nga nila.

Kaya nga nagpapaligsahan ang mga negosyante na magtayo ng kani-kanilang negosyo sa Davao City ay dahil tahimik ang lungsod at alam nilang protektado ang kanilang negosyo.

May isang malaking negosyante akong nakausap—siya’y may-ari ng chain of supermarkets sa buong bansa—at pinupuri ka.

Sabi ng negosyante sa akin, nang siya’y mag-apply ng business permit sa Davao City Hall madali siyang nabigyan ng permit.

Wala raw siyang binigay ni kusing na lagay sa City Hall upang makakuha ng business at mayor’s permit.

Isa raw siya sa mga napakaraming negosyante na susuportahan sa iyong kandidatura kapag ikaw ay tatakbo sa pagka-Presidente sa 2016.

Kapag ikaw ay tumakbo, iyo na ang mga botante sa Visayas at Mindanao, Rody.

Ang pinakamaraming tao sa bansa ay yung mga nagsasalita ng Cebuano o Sugbuhanon. Halos lahat ng Kabisayaan at Mindanao ay Sugbuhanon.

Iboboto nila ang kapwa nila Sugbuhanon na gaya mo.

Ang mga Waray na taga Leyte at Samar ay boboto rin sa iyo dahil sila ay kapwa mo rin Bisaya, Rody.

Ang mga Ilonggo at Kinaray-a ay maaaring boboto kay Mar Roxas na isang Kinaray-a, pero mas maraming boboto sa iyo dahil mas naniniwala sila sa iyong kakayahan kesa kay Mar.

Ang mga taga Luzon at Metro Manila ay maaaaring boboto kay Binay na taga Luzon.

Pero karamihan ng intelligent voters ay nasa Luzon kaya’t mas marami pa ring susuporta
sa iyo sa Luzon, Rody, dahil alam nila na kawatan si Binay.

Read more...