Sey ni Bimby kina Kris at Darla tungkol sa mga beki: Gentlemen don’t date bakla!

kris aquino
Tawa kami nang tawa sa mga punchlines ni Bimby sa morning show ng kanyang mommy na si Kris Aquino kahapon, lalo na yung tungkol sa mga beki.

Kasali kasi si Bimby sa summer special ng Kris TV kung saan ipinapakita nito sa madlang pipol ang iba’t iba niyang talent at kakayahan sa sports activities.

At kahapon nga ng umaga, nang mapag-usapan ang tungkol sa mga bading na nagsimula sa pagsasabi ni Kris sa anak na dapat daw ay protektahan niya ang kaibigan nilang beki na si Darla Sauler laban sa discrimination.

Yun daw kasi ang dapat na ginagawa ng mga totoong gentlemen. Pero ang isinagot nga ni Bimby sa kanyang mommy ay, “But gentlemen don’t date bakla,” na talagang ikinatambling namin.

Bukod dito, tinanong din ang bagets kung ano ba ang qualities na hahanapin niya sa isang girl kun sakaling manligaw na siya – sey ni Bimby, dapat daw pretty, smart and “not malandi.”

At humirit pa ito ng, “But if she doesn’t like my mom I would break up with her.” Siyempre, proud na proud si Kris sa sinabi ng anak.

Pero nang tanungin kung kailan niya gustong magpakasal, ang naging tugon ng bata, “I’ll wait like Tito Noy,” na ang tinutukoy nga ay ang pangulo ng bansa na hanggang ngayon ay binata pa rin sa edad na 55.

Read more...