NAUNAHAN na ng ibang female celebrities na magpakasal ang isa sa mga lead stars ng seryeng Nasaan Ka Nang Kailangnan Kita na si Denise Laurel.
Kung hindi kami nagkakamali, noong 2013 pa nag-propose kay Denise ang basketball player na si Sol Mercado. Nauna pang nag-propose si Sol kay Denise kesa sa mga ex-boyfriends nina Bianca Gonzales, Marian Rivera at Heart Evangelista.
Pero lahat ng nabanggit naming female celebrities ay husband na nila ngayon ang ex-BF nila. And now, ultimong si Nikki Gil ay magpapakasal na rin sa non-showbiz boyfriend niyang si BJ Albert.
Kunsabagay, sinabi naman ni Denise na mas preferred niya ang long engagement with Sol. Kaya siguro until now ay wala pa tayong nababalitaan na wedding plans ang dalawa.
Busy pa kasi si Denise sa afternoon drama series niya sa ABS-CBN na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita and at the same time, may career din naman si Sol sa PBA.
Baka naman pagkatapos ng serye ni Denise sa ay magplano na silang pakasal. Samantala, sa pagpapatuloy ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita tuloy na tuloy na ang pagpa-file ni Christian Vasquez (Leandro) ng annulment case sa kasal nila ni Vina Morales (Cecilia).
At ‘di naman nakapagpigil si Jane Oineza (Corrine) na kumprontahin ang kanyang ama noong malaman niya ang tungkol sa annulment na ipa-file ni Christian.
Feeling guilty naman si Christian sa ina ni Vina noong dalawin niya ang puntod. Hindi niya kasi natupad ang ipinangako niya sa ina ni Vina na ‘di niya ito pababayaan. At ngayon, ipapa-annull pa niya ang kasal nila.
Naku, maghaharap-harap ulit sina Vina, Christian, Jane at Denise sa mga susunod na episodes ng serye this week. Kaya huwag palampasin ang NKNKK na nagpapagising sa mga manonood tuwing hapon after Flordeliza.