Tunay na relasyon nina Kathryn at Daniel nabuking habang nasa beach

kathryn daniel
HANGGANG ngayon ay kilig na kilig pa rin ang KathNiel supporters sa mga larawang kumalat sa social media kung saan kitang-kita ang sweetness nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Dahil dito, mas naniniwala na ngayon ang kanilang fans na talagang may namamagitan na sa Teen King & Queen na higit pa sa pagkakaibigan – feel na feel nila na magdyowa na nga sina Kath at DJ kahit pa ayaw pang umamin ng mga ito.

Nang makita rin namin ang series of photos ng dalawa na kuha nga sa 3-day 19th birthday celebration ni Kathryn na ginanap sa Misibis Bay, Cagraray Island, Albay, naniwala na rin kami na more than MU (mutual understanding) lang ang namamagitan sa kanila.

Talagang nag-trending sa social media ang nasabing mga litrato kung saan makikita ring kasama ng dalawa ang kanilang mga kaibigan.

Pero ang talagang kinakiligan ng kanilang fans ay ang larawan kung saan magkatabi sina Kathryn at Daniel na nakahiga sa isang bench malapit sa beach, kasama ang kanilang mga kapamilya at kaibigan. Bukod pa

In fairness, mismong ang governor pa ng Albay na si Joey Salceda ang nag-post sa kanyang Facebook account ng naging itinerary ng tatlong araw na birthday celebration ni Kathryn sa Misibis Bay.

Ilan sa mga ginawa ng grupo ay ang kayaking, ATV ride, at iba pang team building activities. Kung hindi na nabago ang schedule, kahapon natapos ang selebrasyon ng kaarawan ng Teen Queen, isang araw bago ang actual birthday niya na March 26 (today).

Kamakailan, sinabi ni Kathryn na matagal na niyang pinlano ang kanyang birthday celebration sa beach para muli silang magkasama-sama ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Ngayong huling linggo kasi ng Marso ay magiging busy na uli siya sa kanyang trabaho, kabilang na riyan ang pagsisimula ng taping nila para sa next serye nila ni Daniel, ang Pangako Sa ‘Yo.

Read more...