Carla: Never akong nainggit kay Marian!

carla abellana
KAHIT kailan ay hindi nainggit si Carla Abellana sa GMA Primetime Queen na si Marian Rivera. Hanggang ngayon kasi ay ito pa rin ang itinuturing na Reyna ng Kapuso network kahit na nag-asawa na.

“Hindi naman. You know why? Kasi naiisip ko din naman kung gaano kahirap. Ang daling sabihin na, ‘Oy, nainggit ako.’ Pero bilang artista din, naiisip ko rin kung gaano kahirap yung pinagdaanan niya, para mapuntahan kung nasaan man siya ngayon.

“Parang…mainggit ka man sa na-achieve niya na, maiisip mo rin kung what she had to go through, ‘di ba? Ang daling mainggit, pero maaawa ka rin sa sitwasyon, o sa hirap na pinagdaanan niya. Pangit naman kasi mainggit.

Kakayanin din kaya niya ang pinagdaanan ni Marian bago ito nagtagumpay sa kanyang career? “Iniisip ko din. Kakayanin ko ba yun? Pero kung ano man ang ibinigay sa iyo ng Diyos, kakayanin mo yun.

Wala naman Siyang ibinibigay na hindi mo kakayanin.”  Wala raw halong kaplastikan, masaya raw si Carla sa tagumpay ni Marian, “Oo naman, where she is.

Good luck nga sa bago niyang show, kasi maganda yun. Maganda yun,” na ang tinutukoy ay ang next serye ni Marian sa GMA na The Rich Man’s Daughter.

Anyway, kakapirma lang ni Carla ng bagong kontrata sa GMA 7 at dalawa sa mga nakatakda niyang gawin ngayong taon ay ang bago niyang teleserye at isang public affairs show.

Hindi pa niya alam kung sino ang itatambal sa kanya sa bago niyang soap opera.

Read more...