For the third time ay bumalik ng Pilipinas ang Hollywood actress and two-time Grammy awardee na si Tia Carrere. This time, she will shoot for an interntional movie titled “Showdown in Manila” na ididirek ng kapwa niya American actor na may dugong Pinoy na si Mark Dacascos.
Mga Pinoy ang mga magulang ni Tia but both born and raised sa Hawaii. Kaya naman for her third time here, ise-segue na rin niya ang pakikipag-bonding with her Pinoy relatives dito.
First time she visited the Manila ay noong 2003 para sa isang campaign for our Filipino war veterans. Special guest pa raw siya ni dating President GMA during that time.
Ka-join din niya noon ang ibang Hollywood stars na may dugong Pinoy gaya nina Lou Diamond Philips, ang komedyanteng si Rob Schneider at Dean Devlin.
Pangalawang beses naman nang pagbisita niya ay nag-stay siya sa El Nido Resort sa Palawan. Highly recommended ni Tia sa kanyang co-stars sa “Showdown in Manila” ang naturang tourist spot.
Incidentally, the whole cast of “Showdown in Manila” headed by Russian actor Alexander Nevsky who is dubbed as Russia’s Arnold Schwarzenegger ay pupunta sa Coron, Palawan to shoot some scenes for the movie.
Sa presscon pa lang ng “Showdown in Manila” ay kita na agad ang pagiging malapit ni Tia sa isa sa mga local star na aapir sa movie, si Iza Calsado. Ang iba pang Pinoy sa movie ay sina Jake Macapagal, Mon Confiado at Will Devaughn.
Agad nga raw hinanap niya as soon as she came here ay ang Pinoy delicacy na “budbud.” Ang lola raw niya ang madalas magpakain sa kanya nito noong bata siya.
“But nobody can find me any budbud. Does anybody know what budbud is? I’ve been looking for this. I asked Iza, she said it’s biko. I don’t know. Anyway, this is my third time here.
But I plan to come back more often because it’s been too long. It’s good to be here,” seyn ni Tia.